Tagalog

Pagninilay 323: Ang Iyong Natatanging Misyon

Binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng natatanging misyon.  Ang ilan ay tinatawag na mamuhay sa harap ng madla; ang iba naman ay tinatawag sa tahimik at payak na pamumuhay.  Ang ilan ay tinatawag na gamitin ang kanilang isip sa makapangyarihang paraan; ang iba naman ay tinatawag na gamitin ang kanilang puso sa natatanging paraan, ngunit ang bawat tao ay may natatanging misyon mula sa Diyos.  Ano ang iyong…

Pagninilay 321: Ang Serapikong Kaluluwa

Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan, at sa kabanalang iyon ay makakamit ang ganap na kaligayahan. Ngunit laging pumipili ang Diyos ng ilan para sa isang natatanging misyon ng kabanalan, isang mas mataas na antas ng kabanalan. Ang mga kaluluwang ito ay maaaring tawaging “Mga Serapikong Kaluluwa.” Ang karaniwang halimbawa ay ang paghahambing ng dalawang baso ng tubig. Ang isa ay malaki…

Pagninilay 270: Ang mga Detalye ng Kalooban ng Diyos

Handa ka bang tanggapin ang Kalooban ng Diyos sa iyong buhay?  Kung gayon, dapat kang maging bukas sa lahat ng detalye nito.  Ang Kalooban ng Diyos ay hindi isang maringal ngunit malabong pangkalahatang ideya.  Ang pagpili sa Kanyang Kalooban ay hindi lamang pagsasabing pinipili mong sumunod sa Kanya sa pangkalahatan.  Sa halip, ang pagpili sa Kanyang Kalooban…

Pagninilay 122: Kung Makapipili Ka

Kung makapipili ka sa pagitan ng lahat ng kayamanan sa mundo at ng isang malapit at mapagmahal na ugnayan kay Hesus, alin ang pipiliin mo? Huwag kang sumagot agad. Maaaring alam nating ang pagpili kay Hesus ang tamang sagot, ngunit pipiliin mo ba Siya? Isipin ang kapangyarihan at makamundong “kalayaan” na…

Pagninilay 120: Dalisay na Pag-ibig sa Diyos

Ang pinakalayunin ng iyong buhay ay ang magmahal. At higit na tiyak, ang unahin ang pagmamahal sa Diyos nang may dalisay na pag-ibig. Upang maging dalisay ang pag-ibig, dapat itong maging malaya sa anumang pagkamakasarili. Tanging ang minamahal lamang ang pinagtutuunan ng dalisay na pag-ibig. Kapag minamahal natin ang Diyos nang may dalisay na pag-ibig, matutuklasan nating tayo ay…

Pagninilay 78: Pagnanais ng Kaligayahan

Ang pinakapangunahing hangarin natin ay ang maging maligaya.  Lahat ng ginagawa natin, sa anumang paraan, ay ginagawa upang matulungan tayong makamit ang layuning ito.  Maging ang pagkakasala ay nagagawa dahil sa maling akalang aakay ito sa atin tungo sa kaligayahan.  Ngunit iisa lamang ang bukal ng kaganapan ng tao at iisa lamang ang bukal…

Pagninilay 61: Saan Nagmumula ang Kaligayahan

Magagawa mo bang maging maligaya kung ikaw ay nasa bilangguan?  O paano kung tinawag ka sa murang edad na pumasok sa isang monasteryong klawstrado at mamuhay nang nakahiwalay sa mundo sa buong buhay mo?  Makasusumpong ka ba ng kaligayahan kung namumuhay ka sa matinding karukhaan at halos hindi sapat ang iyong maipakain sa iyong pamilya…

Pagninilay 46: Ang Araw-araw na mga Tungkulin ay Landas Patungo sa Langit

Totoong ang Langit ang dapat nating maging layunin. Dapat nating laging ituon ang ating paningin sa walang hanggang katotohanang ito. Bakit? Sapagkat kung ihahambing sa lumilipas na mundong ito, ang Langit lamang ang tunay na mahalaga sa huli. Kaya paano natin mapananatiling nakatuon ang ating pansin sa Langit nang hindi nagpapabaya sa…

featured image DM

Panimula – Nagsisimula na ang 365 Araw ng Banal na Awa!

Ang mundong ginagalawan natin ngayon ay isang mundong patuloy na tumitindi ang karahasan, kaguluhan, kawalan ng pag-asa, at pangungulila sa kalooban. Isa itong mundo kung saan napakarami ang magkakaugnay sa pamamagitan ng makabagong komunikasyon, gaya ng mga pang-araw-araw na balita at social media. Dahil…

Pagninilay 336: Ang mga Kayamanan ng Mundo…o ang Diyos?

Kapansin-pansin kung gaano kadalas nating hangarin ang mga ari-arian sa mundo. Kahit mapasaiyo lamang ang lahat ng kayamanan sa mundo, hindi nito mapupunan ang pananabik ng iyong puso. Iisa lamang ang makapupuno sa kahungkagan sa iyong kalooban—ang Panginoon at ang Kanyang banal na Kalooban. Wala nang iba…