Tagalog

Pagninilay 304: Ang Katotohanan sa Lahat ng Bagay

Dapat ba nating katakutan ang katotohanan? Sa isang banda, maaari tayong mapahamak dahil sa katotohanan. Tingnan, halimbawa, ang mga Martir. Sila ay mga saksi sa katotohanan sa pamamagitan ng pagbubuhos ng kanilang dugo. Sila ay “napahamak” lamang sa diwang ang kanilang pagpapatotoo sa katotohanan ang naging dahilan ng pag-uusig sa kanila. Ngunit…

Pagninilay 298: Ang Virus ng Walang Saysay na Pagbubulung-bulungan

Isang di-kanais-nais na hilig ng ating kalikasang-taong nasugatan ng kasalanan ang “pagbubulung-bulungan” tungkol sa kapwa.  Para itong virus: kapag may isang nagsimula, mabilis itong kumakalat sa iba.  Hindi mo namamalayan, marami na ang maaaring nagpapakalat ng mga sabi-sabi at tsismis na walang batayan sa katotohanan, o ng mga katotohanang sinasabi nang walang pag-ibig sa kapwa.  Ito…

Pagninilay 247: Ang Pagpapalang Hatid ng mga Nangangailangan

Kung may isang miyembro ng inyong pamilya na malubha ang sakit, nasa bilangguan, o may iba pang mabigat na pangangailangan, magiging pasanin ba siya para sa iyo o isang pagpapala?  Pag-isipan mo ito.  Mas pinahihirap ba ng mga taong may natatanging pangangailangan ang iyong buhay?  Kung sasagutin ang tanong na ito sa praktikal na pananaw lamang, ang…

Pagninilay 244: Paggawa Hanggang sa Wakas ng Mundo

Kung nagpapagal ka, araw at gabi, sa pagpapalaganap ng mga gawa ng Diyos, mabuti ito. May mabuting bungang magmumula sa iyong pagtatalaga sa pagtupad sa Kalooban ng Diyos at sa pagpapalaganap ng Kanyang Banal na Awa. Ngunit dapat din nating maunawaan na maaari tayong gamitin ng Diyos upang ipalaganap ang Kanyang Awa hanggang sa wakas ng mundo. Paano? Tanging…

Pagninilay 184: Ang Awa sa Paglilingkod ng mga Pari

Hindi, hindi perpekto ang mga pari. Nagkakasala sila araw-araw. Patuloy nilang kailangan ang pagsisisi at pagbabalik-loob sa kanilang pang-araw-araw na buhay, tulad ng lahat ng tao. Ngunit sila ay mga pari. At dahil sa kanilang banal na ordinasyon, nangungusap ang Panginoon sa pamamagitan nila sa isang malinaw…

Pagninilay 171: Paghahambing ng Daigdig sa Langit

Subukan mong isipin kung ano ang magiging pananaw mo sa panahong ito ng iyong buhay sa daigdig kapag nasa Langit ka na. Hahanapin mo ba ang buhay na ito? Nanaisin mo bang bumalik? Hihilingin mo bang sana ay kumita ka ng mas maraming salapi o nagkaroon ng higit na makamundong tagumpay habang narito ka? Malamang ay hindi. Kung ihahambing sa Langit, kaawa-awa ang mundong ito. Hindi iyon…

Pagninilay 158: Ang Nilalaman ng Iyong Pananalita

Ang nilalaman ng iyong pananalita sa araw-araw ay malinaw na salamin ng nilalaman ng iyong kaluluwa. Kaya ano ang sinasalamin ng iyong pananalita? Madalas mong mapapansing ang iyong mga pag-uusap sa buong maghapon ay tungkol sa mga bagay na mababaw at makamundo. Bagama’t ang ilang kaswal na pag-uusap na ganito…

Pagninilay 148: Awa para sa mga Nasa Purgatoryo

Kapag pumanaw ang isang mahal sa buhay, madaling ipagpalagay kaagad na nasa Langit na siya at hindi na nangangailangan ng ating mga panalangin. Ngunit isa sa mga pinakadakilang handog na maiaalay natin sa mga nauna na sa atin ay ang ating mga panalangin. Totoong ang bawat taong namamatay na nasa kalagayan ng biyaya…

Pagninilay 364: Panalangin para sa mga Naghihingalo

Napakahalaga ng oras ng iyong kamatayan para sa iyong walang hanggang kaligtasan.  Kapag dinarasal mo ang “Aba Ginoong Maria,” partikular mong ipinagdarasal ang banal na oras na ito.  Isa itong banal na oras.  Ngunit ito rin ang oras na muli kang sasalakayin ng Masama upang tangkaing agawin…