Tagalog

Pagninilay 188: Mga Hinihingi ng Panginoon

Kung may ipinagagawa sa iyo ang Panginoon, may pagpipilian ka ba?  Mayroon, sapagkat maaari kang magsabi ng “Hindi.”  At ito ay kasalanan.  Ngunit kung pinili mong sundin si Kristo at ang iyong mithiin ay ang Langit, nararapat lamang sabihin na may tungkulin tayong gawin ang anumang hinihingi sa atin ng Panginoon.  Ang Kanyang…

Pagninilay 177:  Banal na Pagsunod

Isa sa mga pinakamatibay na pananggalang laban sa paggawa ng sarili nating kalooban sa halip na sa Diyos ay ang banal na pagsunod.  Pinagpala ang mga nasa buhay-relihiyoso na maisabuhay ito sa literal at panlabas na paraan, na hinahayaang maisaloob ang panlabas na pagsasagawa nito upang matiyak na isinasabuhay nila…

Pagninilay 135: Pakikipag-usap kay Hesus

Nakikipag-usap ka ba kay Hesus? Isa itong uri ng panalangin na lubhang mabunga. Ang “pakikipag-usap” sa Diyos ay hindi ang pinakamataas na uri ng panalangin, ngunit ito ang uri ng panalangin na madalas nating kailangang simulan. Lalong mabunga ang pakikipag-usap sa Diyos kapag may dinadala tayong pasanin…

Pagninilay 133: Pagkilos sa Sariling Lakas

Wala tayong magagawang mabuti sa sarili nating lakas.  Ito ay isang katotohanan.  Ang tanging magagawa natin sa sarili nating lakas ay ang magkasala.  Sa katunayan, ang tanging paraan upang makalugod sa Diyos at makagawa ng mabuti para sa Kanya ay ang umasa sa Kanya sa lahat ng bagay.  Ang ating ugnayan sa Diyos ay dapat maging ganap na pag-asa sa Kanya sa lahat…

Pagninilay 127: Ang Pag-ibig sa Diyos sa Pamamagitan ng Pagsunod

Tinatawag kang mahalin ang Diyos nang buong puso, isip, kaluluwa at lakas. Ngunit paano mo ito gagawin? Paano naipapakita sa ating buhay ang aktibong pagmamahal sa Diyos? Sa huli, minamahal natin ang Diyos sa pamamagitan ng banal na pagsunod. Dapat nating sundin ang Kanyang Banal na Kalooban nang higit sa lahat. Marahil…

Pagninilay 85: Panloob na Pagpapakasakit

Isa sa mga pinakadakilang handog na maiaalay natin sa ating Banal na Panginoon ay ang pagmamatigas ng ating kalooban.  Madalas nating gustong makuha ang nais natin, sa oras na nais natin.  Maaaring maging matigas at mapagpilit ang ating kalooban, at madali nitong mapaghaharian ang ating buong pagkatao.  Dahil sa makasalanang pagkahilig na ito sa pagmamatigas ng kalooban, isang…

Pagninilay 30: Pagsunod sa Diyos

Isang susi sa kabanalan ang pagsunod. Nawala kina Adan at Eva ang biyaya dahil sa pagsuway, at naibabalik tayo sa biyaya sa pamamagitan ng pagsunod. Maaaring mahirap ang pagsunod at nangangailangan ito ng isang malalim na pasya ng kalooban. Humanap ng mga pagkakataong sumunod kay Hesus, lalo na kapag ikaw ay…