Rembrandt, Pampublikong dominyo, sa pamamagitan ng Wikimedia Commons
May mga taong napakahusay pag-usapan ang iba. Walang tigil silang nagbibigay ng mga opinyon at paghatol tungkol sa kanila at basta na lamang nagsasalita, na para bang alam na nila ang lahat. Huwag kang tumulad sa mga taong ito. Ang mga taong abala ang isip at dila sa mga gawain ng iba ay kakaunti ang panahong nalalaan sa pagsusuri ng sarili nilang kaluluwa upang makilala kung sino sila (Tingnan ang Talaarawan #1717).
Nahihirapan ka bang umiwas sa walang kabuluhang usapan? Sa madaling salita, madalas at malaya mo bang pinag-uusapan ang iba, nagbibigay ng mga opinyon at humahatol sa kanila, samantalang hindi mo naman tapat na sinusuri ang sarili mong kaluluwa? Kung ginagawa mo ito, maaaring mahirap itong aminin. Ngunit kung ganito ka, aminin mo ito dito at ngayon. Sabihin mo sa ating Panginoon na batid mo ang kahinaang ito at hingin ang Kanyang Awa upang tulungan ka. Tutulungan ka Niya, ngunit kailangan mong maging tapat tungkol sa kahinaang ito.
Panginoon, palayain Mo po ako mula sa walang kabuluhang pag-uusap at sa ugali kong humatol sa kapwa. Sa halip, tulungan Mo akong tunay na ituon ang aking diwa sa aking kalooban at maging mulat sa sarili kong buhay at kasalanan. Tulungan Mo rin akong makita ang kasaganaan ng Iyong Awa na dapat kong sandigan at ibahagi sa kapwa. Panginoon ko, pinagsisisihan ko ang aking kasalanan; halina po at tulungan Mo ako. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.
Nobena sa Pasko kay San Andres
Tradisyonal na dinarasal nang 15 beses sa isang araw mula Nobyembre 30 hanggang sa Bisperas ng Pasko.
Mga Antiponang O ng Adbiyento
Disyembre 17–23
Mga Sanggunian para sa Adbiyento
Higit Pang mga Pagninilay sa Banal na Awa
Mga Pagninilay sa Ebanghelyo Araw-araw
Mga Santo/Kapistahan Ngayong Araw





