Si Juan Bautista na binibinyagan si Kristo, obra ni Francesco Trevisani
Nilikha tayo upang magkaisa sa isa’t isa. Kapag walang pagkakaisa, nadarama ang mga epekto nito sa mga pamilya, pamayanan, at mga bansa. Ano ang nagbubuklod sa atin nang higit sa anupaman? Una sa lahat, kaisa natin ang ibang mga kaluluwa sa pamamagitan ng ating Binyag (Tingnan ang Talaarawan #391).
Pagnilayan ang pinakapangunahing katotohanang mayroon kang hindi masisirang ugnayan sa bawat taong bininyagan kay Kristo Hesus. Tinatanggap man o hindi ng iba ang kanilang bokasyon sa Binyag, nananatili pa rin ang pagkakaisa. Pagnilayan ang pagkakaisang iyon at panghawakan ito. Hayaan mong makita ang bawat binyagan bilang isang tunay na kapatid kay Kristo. Babaguhin nito ang iyong pagtingin sa kanila at pakikitungo sa kanila.
Panginoon, nagpapasalamat ako sa Iyo para sa kahanga-hangang pamilyang nilikha Mo sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag. Nagpapasalamat ako sa Iyo na pinagpala akong maging bahagi ng pamilyang ito. Tulungan Mo akong mahalin ang lahat ng Iyong mga anak dahil sa simpleng katotohanang sila ay aking mga kapatid sa Iyo. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.
Ikatatlumpu’t Anim na Araw Mga Pagninilay:
40 Araw sa Disyerto & 40 Araw sa Paanan ng Krus
Mga Sanggunian para sa Kuwaresma
Mga Pagninilay sa Banal na Kasulatan para sa Kuwaresma
Higit Pang mga Pagninilay sa Banal na Awa
Mga Pagninilay sa Ebanghelyo Araw-araw
Mga Santo/Kapistahan Ngayong Araw




