Tagalog

Pagninilay 330: Pananalangin para sa Iba

Larawan mula sa Pixabay

Video

Huwag maliitin ang kapangyarihan ng iyong mga panalangin. Habang lumalaki ang iyong pagtitiwala sa Awa ng Diyos, lalo namang nagiging makapangyarihan ang iyong mga panalangin para sa mga nangangailangan nito. Alam ng Panginoon ang lahat ng bagay at alam Niya kung ano ang kailangan ng bawat isa. Ngunit nais Niyang ipagkaloob ang Kanyang biyaya kaisa ng mga humihiling nito. Ang iyong mga panalangin para sa iba ang pinakamakapangyarihang paraan upang maihatid mo ang Awa ng Diyos sa mundong ito (Tingnan ang Talaarawan #1603).

Ipinagdarasal mo ba ang iyong kapwa? Kung hindi, magpasiyang gawin ito. Maaaring ang iyong panalangin ay para sa isang tiyak na pangangailangan o pagsubok na dinaranas ng iba. Ngunit dapat nating laging ipaubaya sa Awa ng Diyos ang tiyak na magiging bunga nito. Ang paghahabilin sa kapwa sa Diyos at pagtitiwalang alam Niya ang pinakamabuting kalalabasan sa anumang sitwasyon ay nakalulugod sa ating Panginoon at nagkakamit ng saganang biyaya para sa mga nangangailangan.

Panginoon, iniaalay ko sa Iyo sa araw na ito ang lahat ng nababagabag at nabibigatan. Iniaalay ko sa Iyo ang mga makasalanan, ang mga nalilito, ang mga maysakit, ang mga nakabilanggo, ang mga mahina ang pananampalataya, ang mga matatag ang pananampalataya, ang mga relihiyoso at relihiyosa, ang mga layko at ang lahat ng Iyong mga pari. Panginoon, kaawaan Mo ang Iyong bayan, lalo na ang mga higit na nangangailangan. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Tingnan ang aming mga babasahin at gabay para sa Adbiyento!

Nobyembre 26 – Opsiyonal na Misa na may mga Tanging Panalangin para sa Araw ng Pasasalamat (USA)

Maaari ba kayong magbigay ng donasyon ngayong Araw ng Pasasalamat?

Higit Pang mga Pagninilay sa Banal na Awa

Mga Pagninilay sa Ebanghelyo Araw-araw

Mga Santo/Kapistahan Ngayon