Larawan mula sa Pixabay
Bakit ka natatakot sa Pangungumpisal? Ang maluwalhating Sakramentong ito ay iniaalok sa iyo mula sa mapagmahal na Puso ng ating Panginoon. Sa pamamagitan ng maluwalhating kaloob na ito, inaalis ni Hesus ang mga pasaning dinadala mo upang higit kang makabahagi sa Kanyang Awa. Kung nauunawaan mo ito, hindi ka mag-aatubiling dumulog nang regular sa Pangungumpisal. Nanaisin mo ito hindi dahil inilalantad nito ang iyong kaabahan, kundi dahil pinagagaling at inaalis nito iyon magpakailanman (Tingnan ang Talaarawan #1602).
Maglaan ng panahon upang suriin ang iyong saloobin sa kaloob na Sakramento ng Pakikipagkasundo. Kung may nakikita kang pag-aatubili sa iyong kalooban, suriin ang dahilan. Natatakot ka bang harapin ang iyong kasalanan? Natatakot ka bang humarap sa pari? Hindi kailanman dapat maging hadlang ang takot. Bitawan ang anumang takot mo sa pamamagitan ng pagtutuon ng iyong mga mata sa magiging bunga nito. Ang bungang iyon ay kalayaan at pakikipagkaisa sa Diyos. Ito ay Awang kailangan mo at hinding-hindi mo pagsisisihang tanggapin.
Panginoon, palayain Mo po ako mula sa takot sa maluwalhating Sakramentong ito. Tulungan Mo akong makita nang tapat ang aking mga kasalanan, ngunit habang nakatuon din ang aking paningin sa Iyong walang-hanggang Awa. Pagkalooban Mo ang aking puso ng nag-aalab na pagnanais para sa Awang ito at ng pananabik sa kalayaang dulot nito. Mahal Kita, minamahal kong Panginoon. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.
Mga Sanggunian para sa Adbiyento
Nobyembre 25 – Santa Catalina ng Alejandria, Birhen at Martir
Higit Pang mga Pagninilay sa Banal na Awa
Mga Pagninilay sa Ebanghelyo Araw-araw




