Tagalog

Pagninilay 13: Isang Paanyaya sa Katahimikan

Sa kaibuturan ng ating kaluluwa, dapat nating sikaping marinig ang Diyos na nagsasalita. Nagsasalita Siya sa katahimikan at sa kailaliman. Ang una Niyang sinasabi ay isang paanyaya. Inaanyayahan Niya tayong makilala Siya at maranasan ang Banal na Awa na dumadaloy mula sa Kanyang Puso. Ang paanyaya ay iyon lamang: isang paanyaya. Si Jesus…

Pagninilay 10: Kilusang Apostoliko ng Banal na Awa

Tinatawag tayo ng Talaarawan ni Santa Faustina sa isang bagong anyo ng debosyon sa iba’t ibang paraan. Bukod sa ating personal na debosyon, tinatawag tayong maging mga apostol ng Awa. Isa ka bang apostol ng Awa? Ang Kilusang Apostoliko…

Pagninilay 8: Pagbubulay sa Koronilya ng Banal na Awa

Inaanyayahan tayo ng Talaarawan ni Santa Faustina sa isang bagong anyo ng debosyon sa iba’t ibang paraan.  Ang ikatlong paraan ay sa pamamagitan ng Koronilya ng Banal na Awa.  Ang koronilya ay isang napakahalagang kaloob. Isa itong kaloob na dapat nating sikaping dasalin araw-araw…

Pagninilay 3: Ang Paglikha sa mga Anghel Bilang Isang Gawa ng Awa

Bukod sa paglikha sa materyal na daigdig, nilikha ng Diyos mula sa wala ang espirituwal na daigdig. Ang mga anghel, gayundin ang bawat kaluluwa ng tao, ay mga kaloob ng dalisay na pag-ibig ng Diyos. Sa paglikha sa espirituwal na daigdig, lumikha ang Diyos ng mga nilalang na may kakayahang umunawa at magmahal. Ang…

Pagninilay 2: Ang Paglikha Bilang Isang Gawa ng Awa

Bilang paghahanda sa mas malalim na pag-unawa sa Banal na Awa, magsisimula tayo sa unang kaloob ng Diyos: Ang Paglikha sa Daigdig. Ang Diyos, sa Kanyang kabutihan, ay lumikha sa daigdig mula sa wala. Ang paglikhang ito ng lahat ng bagay mula sa wala ay nagpapahayag, sa isang banda, na ang paglikha ay…

featured image DM

Panimula – Nagsisimula na ang 365 Araw ng Banal na Awa!

Ang mundong ginagalawan natin ngayon ay isang mundong patuloy na tumitindi ang karahasan, kaguluhan, kawalan ng pag-asa, at pangungulila sa kalooban. Isa itong mundo kung saan napakarami ang magkakaugnay sa pamamagitan ng makabagong komunikasyon, gaya ng mga pang-araw-araw na balita at social media. Dahil…

Pagninilay 365: Ang Reyna ng Awa

Ang huling pagninilay na ito ay iniaalay sa Reyna ng Awa, ang Lubhang Maluwalhating Ina ng Diyos. Higit kaninuman, siya noon at patuloy na isang ganap na kasangkapan ng Awa ng Diyos. Isinilang niya sa mundong ito ang Awa Mismo sa pamamagitan ng kanyang fiat, ang kanyang “Oo,” sa Pagpapahayag ng Anghel. Siya…

Pagninilay 362: Dalawang Puso ng Awa

Ang Puso ni Hesus ay dalisay na Awa. Isa itong bukal ng biyayang umaagos sa buong daigdig. Nakaaaliw ito, ngunit may isa pang pusong dapat ding maging bukal ng Awa, at iyon ay ang iyong puso. Dapat kang lubos na mababad sa Awa ng Panginoon upang ang iyong puso…

Pagninilay 360: Labanang Espirituwal

Totoo ang manunukso, si satanas, ngunit hindi siya dapat katakutan.  Huwag mo siyang pansinin.  Huwag mong patulan ang kanyang mga ideya.  Huwag kang makipagtawaran sa kanya.  Sa harap ng mga tukso, dapat kang magkaroon ng tapang, pagtitiwala sa Awa ng Diyos, at pag-asa.  Huwag maging…

Pagninilay 358: Ang Dalawahang Kaloob ng Diyos

Madalas, kapag pinag-uusapan natin ang Awa ng Diyos, ang tinutukoy natin ay ang kapatawaran ng mga kasalanan.  Ito ang unang gawa ng Awa ng Diyos.  Nakikita Niya ang bawat kasalanan, maging ang pinakamaliit na di-kasakdalan, at sa kabila ng pagdurusang idinudulot ng mga kasalanang ito sa Ating Panginoon, sagana Niyang ipinagkakaloob ang Awa upang magpatawad.  Ang kapatawaran…