Tagalog

Pagninilay 342: Ang Kaginhawahang Dulot ng Pasyon

Karaniwan, hindi natin pinagsasama ang mga salitang “pasyon” at “kaginhawahan.” Paano makapagbibigay ng kaginhawahan ang Pasyon ni Kristo? Sa makalupang pananaw lamang ito kakila-kilabot at malungkot. Lubhang nagdusa ang Panginoon, at ang ating Mahal na Ina ay nagdusa kasama Niya nang may pinakamatinding lumbay…

Pagninilay 338: Pag-iingat ng Isang Lihim

Isang gawa ng pag-ibig na maiaalay natin sa kapwa ang pag-iingat sa mga lihim na ipinagkatiwala sa atin.  Naranasan na nating lahat na may lumapit sa atin na may problema o kalituhan at hiniling na huwag natin itong ipagsabi sa iba.  Kaya mo bang ingatan ang ganitong uri ng sagradong lihim?  Ang pag-iingat sa lihim ay isang napakagandang gawa ng awa sa kapwa.  Kung…

Pagninilay 337: Pagtulong sa mga Nababalisa

Sa ating buhay, halos tiyak na paminsan-minsan ay makakatagpo tayo ng mga taong hindi mapakali, nababagabag o nag-aalala. Maaaring labis silang nakatuon sa kung anu-anong bagay at maaaring hindi na gaanong makatuwiran ang kanilang pag-iisip. Anong laking pagkakataong puspos ng biyaya ito upang magpakita ng Awa. Ang pagkabalisa…

Pagninilay 336: Ang mga Kayamanan ng Mundo…o ang Diyos?

Kapansin-pansin kung gaano kadalas nating hangarin ang mga ari-arian sa mundo. Kahit mapasaiyo lamang ang lahat ng kayamanan sa mundo, hindi nito mapupunan ang pananabik ng iyong puso. Iisa lamang ang makapupuno sa kahungkagan sa iyong kalooban—ang Panginoon at ang Kanyang banal na Kalooban. Wala nang iba…

Pagninilay 335: Walang Sawang Nagpapatawad 

Isa sa pinakamahirap gawin sa buhay ang ipanalangin ang mga umuusig sa iyo at pakitunguhan sila nang may lubos na paggalang at habag.  Ngunit ano ang mapapala mo sa pagkapoot sa kanila o sa pagbubuhos ng iyong galit sa kanila?  Ang ganitong “pananakit” sa kanila ay higit na nakapipinsala sa iyong sariling kaluluwa kaysa sa kanila.  Magpatawad…

Pagninilay 334: Paglilingkod sa mga Kaluluwa

Isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob sa atin ay ang kakayahang maglingkod sa kapwa. Naglilingkod tayo sa kanila sa maraming paraan, lalo na ayon sa ating partikular na bokasyon. Ngunit ang pinakadakilang paglilingkod na maibibigay natin sa isang tao ay ang maging tagapaghatid ng Awa ng Diyos, na umaakay sa kanya tungo sa mga kaluwalhatian…