Tagalog

Pagninilay 84: Ang Banal na Ostiya

Hindi kailanman magiging sapat ang lalim ng ating pagmamahal at pagsamba kay Kristo na naroroon sa Kabanal-banalang Eukaristiya.  Kapag tayo ay nasa harap Niya, na naroroon sa Kabanal-banalang Eukaristiya, dapat nating makita ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat na naroroon sa anyong natatalukbungan.  Siya ay: Awa, Buhay na Walang Hanggan, Ang Walang Hanggang…

Pagninilay 75: Pagtagpo kay Kristo sa Kapwa

Tunay na banal ang Kabanal-banalang Sakramento.  Ito ay pinipitaganan at pinakikitunguhan nang may lubos na paggalang.  Hindi natin kailanman itatapon ang ating Panginoon o basta iiwan Siya sa sahig o sa isang lugar na walang pagpipitagan.  Gayunman, madalas ay hindi natin naipakikita sa kapwa ang paggalang na ipinakikita natin kay Hesus…

Pagninilay 59: “O, Dugo at Tubig…”

Pagkamatay ni Hesus, lumapit sa Kanya ang isa sa mga kawal na inutusang tiyaking patay na Siya. Kaya tinusok ng kawal na iyon ng sibat ang Kanyang mahal na katawan, at kaagad na dumaloy ang dugo at tubig mula sa Kanyang sugatang Puso. Ito ay mapanalanging pinagnilayan…

Pagninilay 45: Banal na Komunyon

Kung minsan, wala tayong ganang magsimba o lubhang nagagambala ang ating isip habang lumalapit tayo sa Kabanal-banalang Sakramento.  Marahil ang isa sa pinakamabuting gawin sa ganitong pagkakataon ay ang mamuhay sa banal na pagsunod.  Nais ni Hesus na tumanggap ka ng Banal na Komunyon tuwing Linggo at tuwing pistang pangilin…

featured image DM

Pagninilay 6: Larawan ng Banal na Awa

Inaanyayahan tayo ng Talaarawan ni Santa Faustina sa isang bagong anyo ng debosyon sa iba’t ibang paraan. Ang unang paraan ay ang pagninilay sa banal na larawan ng Banal na Awa. Hiniling ni Hesus kay Santa Faustina na magpagawa ng isang ipinintang larawan ng Kanyang maawaing pag-ibig upang makita ng lahat. Ito ay isang larawan ng…

Pagninilay 350: Kagandahan sa Pagsamba

Maganda ang daigdig at inihahayag nito ang kagandahan ng Diyos, ngunit higit na maganda ang mga espirituwal na katotohanan, tulad ng Banal na Eukaristiya. Upang makita ang kagandahan ng Diyos na naroroon sa Kabanal-banalang Eukaristiya, kailangan mo ng mga mata ng pananampalataya. Isa sa pinakamainam na paraan upang luminaw ang iyong pagtanaw sa kagandahang ito ay ang pagsamba. Bagaman ang pagtanggap…