Tagalog

Pagninilay 189: Pagdaig sa Takot

Ang takot ay may iba’t ibang sanhi. Ang pagkadama sa isang napipintong panganib ay nagdudulot ng biglaang takot bilang isang paraan ng pagtatanggol sa sarili. Sa katunayan, maaari nitong iligtas ang iyong buhay kung, halimbawa, ang napipintong panganib ay isang kotseng biglang lumihis papunta sa iyong linya. Inuudyukan ka ng biglaang takot na…

Pagninilay 187: Isang Bahaghari Pagkatapos ng Bagyo

Kamangha-mangha kung paanong ang Sangnilikha mismo ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos at nagtuturo sa atin tungkol sa pananampalataya.  Tingnan ang bahaghari.  Ito ay maliwanag at maganda, makulay at kahanga-hanga.  Nagagalak ang lahat kapag nakakakita ng bahaghari.  Ngunit walang bahaghari kung walang ulan o bagyo.  Ganyan ang buhay.  Tayo…

Pagninilay 175: Ang Pag-ibig ay Matatagpuan sa mga Detalye ng Buhay

Kay sarap magkaroon ng isang kaibigang mapagkakatiwalaan mo ng bawat detalye ng iyong buhay. Hangad nating makilala ang iba at hangad din nating makilala nila tayo. Kapag nakatagpo ka ng isang taong mapagsasabihan mo ng kahit pinakamaliit na pagsubok o mapagbabahaginan ng kahit pinakamunting kagalakan, nakatagpo ka ng isang tunay na kaibigan. Ang Panginoon…

Pagninilay 172: Matiyagang Pagpapasakop

Matiyaga ka ba? Kapwa ang pagtitiyaga at kawalan nito ay nagmumula sa isang tunggalian sa iyong kalooban. Maraming pagkakataon sa buhay na ang iyong kalooban ay naaakit sa isang bagay na hindi ang Diyos, na naghahangad ng isang bagay na hindi naman Niya pinatutunguhan para sa iyo. Ang pagtitiyaga ay isang birtud na nagbibigay sa iyo ng kakayahang huminto sandali, huminga…

Pagninilay 157: Pagpapasya sa Usaping Moral

Nahihirapan ka ba kung minsan na gumawa ng tamang pasya sa usaping moral? Nangyayari ito dahil sa ating makasalanang kalikasan bilang tao. Madali tayong malito sa buhay at madaling hindi maunawaan ang Isip at Kalooban ng Diyos. Kaya ano ang dapat mong gawin? Alamin mong ang iyong budhi ay isang santuwaryo na…

Pagninilay 147: Awa sa Pamamagitan ng mga Gawa, Salita at Panalangin

Nais mo bang maging kasangkapan ng di-matarok na Awa ng Diyos? Kung gayon, magagawa mo ito sa pamamagitan ng iyong mga gawa, mga salita at mga panalangin. Una, dapat kang laging maging mapagmatyag sa mga pagkakataong magpakita ng Awa sa pamamagitan ng iyong mga gawa. Napakadalas, kapag nabibigyan tayo ng pagkakataon (tulad ng pagpapatawad sa kapwa), tayo ay umiiwas…

Pagninilay 139: Isinasakatuparan Ito ng Dibinong Pamamatnubay

Kung minsan, pilit nating minamadali ang katuparan ng Kalooban ng Diyos nang higit sa Kanyang itinakdang panahon. Dahil dito, ang nasusunod natin ay ang sarili nating kalooban at hindi ang sa Diyos. Ang susi ay pagtitiyaga. Dapat tayong matiyagang maghintay sa Panginoon upang Siya ay kumilos sa loob natin at Siya ang gumawa ng lahat ng bagay sa pamamagitan natin. Sa katunayan…

Pagninilay 132: Ang Diyos na Hindi Maarok

Likas sa ating lahat ang pagkamausisa. Madali tayong mausisa tungkol sa halos lahat ng bagay, sa pagnanais na malaman ang mga ito. Ang mga magasin, balita, palabas, araw-araw na tsismisan, at iba pa ay pawang naglalayong bigyang-kasiyahan ang ating pagkamausisa. Ang pagkamausisang ito ay dapat maging pagnanais na makilala ang Diyos at…

Pagninilay 129: Huwag Kang Matakot

“Huwag kang matakot; manampalataya ka lamang” (Marcos 5:36).  Ang apat na salitang ito, “Huwag kang matakot,” ay sinasabi nang di-mabilang na beses sa buong Banal na Kasulatan.  Dapat nating bigyang-pansin ang mga ito.  Maaaring maparalisa tayo ng takot at akayin sa sari-saring kahangalan sa pag-iisip at pagkilos.  Ang taong…

Pagninilay 69: Tinutukso Tayo ng mga Pagsubok na Mag-alinlangan

Lahat tayo ay dumaranas ng mga pagsubok sa buhay. Ang tanong ay: “Ano ang ginagawa mo sa harap ng mga ito?” Madalas, kapag dumarating ang mga pagsubok, natutukso tayong mag-alinlangan sa presensiya ng Diyos at sa Kanyang mahabaging pagtulong. Sa katunayan, ang kabaligtaran ang totoo. Ang Diyos ang sagot sa bawat pagsubok. Siya…