Tagalog

Pagninilay 279: Ang Iyong Panloob na Katiyakan

Dapat mong sikaping marinig ang Diyos na nangungusap sa iyo sa pamamagitan ng isang panloob na katiyakan sa iyong kaluluwa. May mga pagkakataong madarama mong malakas at malinaw ang Tinig ng Diyos, at sa ibang pagkakataon naman ay tila mahina at nakalilito ito. Maraming bagay ang maaaring makipag-agawan sa Tinig ng Diyos…

Pagninilay 271: Pagtanaw sa Kabila ng mga Balakid sa Buhay

Isang napakakaraniwang hilig at tuksong pinakikipaglabanan ng karamihan ang labis na pagtuon sa mga pagdurusa, kahihiyan, at maling akala ng iba. Kapag nararanasan natin ang isa o higit pa sa mga pasaning ito, maaari tayong matuksong gawing sentro ng ating buhay ang mga ito. Halimbawa…

Pagninilay 265: Ang Panganib at Pagpapala ng Masisidhing Damdamin

Nilikha tayo ng Diyos na may masisidhing damdamin.  Ang mga ito ay maaaring maging malalaking pagpapala sa ating pamumuhay bilang Kristiyano o maging mabibigat na patibong.  Ang lahat ay nakasalalay sa kung ano ang namamahala sa bawat masidhing damdamin.  Halimbawa, ang masidhing galit ay maaaring gamitin sa mabuti o sa masama.  Kapag nanaig ang galit at ang pinagmumulan ng galit na ito…

Pagninilay 241: Paglunas sa Iyong mga Partikular na Kasalanan

Paano mo madaraig ang iyong mga kasalanan?  Bawat kasalanan ay naiiba at nangangailangan ng tiyak na panalangin at sakripisyo upang makalaya rito.  Tatlong karaniwang kasalanan ang: mga kasalanan ng laman, ng galit, at ng kapalaluan.  Madaraig ang bawat isa sa mga kasalanang ito ngunit maaaring mangailangan ng natatanging…

Pagninilay 223: Isang Kakila-kilabot na Araw

Walang anuman sa buhay ang kailangang maging kakila-kilabot. Kahit ang pinakamatinding pakikibaka at pagdurusang dinaranas natin ay madaling mabago ng Diyos upang maging bukal ng Kanyang Awa at ng ating pagpapabanal…

Pagninilay 221: Pagluwalhati sa Sarili

Kung minsan, ang mga taong lubhang “relihiyoso” ay nagsasalita tungkol sa maraming bagay na “panrelihiyon.” Gumagamit sila ng mga salitang maka-Diyos at pinag-uusapan ang mga banal na bagay. Ngunit sa bandang huli, maaaring ang lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa ay paraan lamang upang luwalhatiin ang kanilang sarili sa paningin ng iba. Ito ang pakikibaka…

Pagninilay 209: Pagdaig sa Nakagawiang Kasalanan

Kailangan ang Awa ng Diyos upang madaig ang kasalanan. Madalas nating subukang daigin ang kasalanan sa sarili nating pagsisikap. Walang saysay ang ganitong pagtatangka sapagkat hindi mo kailanman madaraig ang sarili mong kasalanan sa sarili mong pagsisikap lamang. Iisa lamang ang paraan upang makalaya ka sa kasalanang pinagsisikapan mong labanan, at…

Pagninilay 198: Ang Awa ng Tunay na Pakikiramay

Ang kawalan ng tunay at taos-pusong pakikiramay ay malinaw na tanda ng isang uri ng karamdamang sikolohikal, emosyonal, at maging espirituwal. Binabanggit ito sapagkat totoo rin ang kabaligtaran. Ang pagkakaroon ng tunay at taos-pusong pakikiramay ay tanda na ang isang tao ay malusog sa isip, damdamin…

Pagninilay 192: Pagmamahal sa Diyos sa Ginhawa at Hirap

Madaling “mahalin” ang Diyos kapag maayos ang lahat. Ngunit kapag maayos ang lahat, hindi nasusubok ang ating pag-ibig. Ang pagsubok na dulot ng pagdurusa ng tao ay nagpapalinaw sa ating pag-ibig sa Diyos. Maaari itong maging lubhang mabunga para sa ating buhay-espirituwal. Madaling isipin na ang mga paghihirap sa buhay ay walang iba kundi…