Tagalog

Pagninilay 356: Ang Pagpintig ng Iyong Puso

Kapag may pananabik sa iyong buhay, nagsisimulang bumilis ang tibok ng iyong puso.  Likas na tugon ito.  Kaya naman, mabuting pagnilayan: tumitibok ba ang iyong puso para sa Diyos?  Hinahayaan mo bang mapuspos ka ng banal na pagkamangha sa presensya ng Diyos?  Ikaw ba…

Pagninilay 354: Pagkalas sa Sapot ng Kasalanan

Kapag nagsimulang magsinungaling ang isang tao at nakagawian na niya ito, sa bandang huli ay mabubuhol siya sa isang sapot ng mga kasinungalingan.  Ang isang kasinungalingan ay humahantong sa isa pa, at di-magtatagal ay hindi na niya alam kung paano makakawala sa sapot na ito.  Dito mo kailangang magpakita ng awa.  Napakadaling maging mabagsik…

Pagninilay 351: Kilalanin o Maranasan ang Diyos

Dapat mong patuloy na layuning makilala ang Diyos. Ang pag-aaral ng Banal na Kasulatan, ng mga turo ng Simbahan, at ng buhay ng mga santo ay pawang nakatutulong sa pagsisikap na ito. Ngunit ang pagkilala sa Diyos ay hindi ang sukdulang layunin ng buhay. Ang kaalaman ay nagmumula sa pananampalataya, at ang pananampalataya ay kaloob ng Diyos. Ngunit ang ganap na…

Pagninilay 350: Kagandahan sa Pagsamba

Maganda ang daigdig at inihahayag nito ang kagandahan ng Diyos, ngunit higit na maganda ang mga espirituwal na katotohanan, tulad ng Banal na Eukaristiya. Upang makita ang kagandahan ng Diyos na naroroon sa Kabanal-banalang Eukaristiya, kailangan mo ng mga mata ng pananampalataya. Isa sa pinakamainam na paraan upang luminaw ang iyong pagtanaw sa kagandahang ito ay ang pagsamba. Bagaman ang pagtanggap…

Pagninilay 347: Banal na Komunyon

Walang hihigit na kaloob sa mundong ito kaysa sa Banal na Komunyon. Gayunman, napakadalas nating lumapit sa Sakramentong ito nang may pusong nagagambala at hindi nakatuon ang pansin. Upang mapagtagumpayan ang gayong pagkagambala, dapat ka munang lubos na maniwala, nang buong pag-iisip, sa malalalim na katotohanan ng Banal na Komunyon. Dapat kang magpasakop…

Pagninilay 345: Nalulunod sa Diyos

Naranasan mo na bang magbabad sa Diyos?  Ito ay isang bihirang karanasan na hindi pa nga nararanasan ng karamihan.  Ang pagbababad o pagkalunod sa Diyos ay nangangahulugang napakalalim ng iyong pagkalubog sa panalangin na para bang nawawala ka sa Kanyang presensya.  Kapag nangyari ito, lubusan kang inaangkin ng Panginoon…

Pagninilay 342: Ang Kaginhawahang Dulot ng Pasyon

Karaniwan, hindi natin pinagsasama ang mga salitang “pasyon” at “kaginhawahan.” Paano makapagbibigay ng kaginhawahan ang Pasyon ni Kristo? Sa makalupang pananaw lamang ito kakila-kilabot at malungkot. Lubhang nagdusa ang Panginoon, at ang ating Mahal na Ina ay nagdusa kasama Niya nang may pinakamatinding lumbay…

Pagninilay 339: Ang Dalisay na Kaluluwa

Maaaring hindi mo ito agad maisip, ngunit ang kaluluwang may dalisay na pag-ibig sa Diyos ay kinatatakutan ng marami. Ang “takot” nilang ito ay takot na salungatin ang gayong kaluluwa. Ang mga may masamang hangarin ay hindi mangangahas na salakayin ang gayong tao sapagkat alam nilang maaaring sa kanila bumalik ang masama nilang balak. Imposible…

Pagninilay 338: Pag-iingat ng Isang Lihim

Isang gawa ng pag-ibig na maiaalay natin sa kapwa ang pag-iingat sa mga lihim na ipinagkatiwala sa atin.  Naranasan na nating lahat na may lumapit sa atin na may problema o kalituhan at hiniling na huwag natin itong ipagsabi sa iba.  Kaya mo bang ingatan ang ganitong uri ng sagradong lihim?  Ang pag-iingat sa lihim ay isang napakagandang gawa ng awa sa kapwa.  Kung…

Pagninilay 337: Pagtulong sa mga Nababalisa

Sa ating buhay, halos tiyak na paminsan-minsan ay makakatagpo tayo ng mga taong hindi mapakali, nababagabag o nag-aalala. Maaaring labis silang nakatuon sa kung anu-anong bagay at maaaring hindi na gaanong makatuwiran ang kanilang pag-iisip. Anong laking pagkakataong puspos ng biyaya ito upang magpakita ng Awa. Ang pagkabalisa…