Tagalog

Pagninilay 304: Ang Katotohanan sa Lahat ng Bagay

Dapat ba nating katakutan ang katotohanan? Sa isang banda, maaari tayong mapahamak dahil sa katotohanan. Tingnan, halimbawa, ang mga Martir. Sila ay mga saksi sa katotohanan sa pamamagitan ng pagbubuhos ng kanilang dugo. Sila ay “napahamak” lamang sa diwang ang kanilang pagpapatotoo sa katotohanan ang naging dahilan ng pag-uusig sa kanila. Ngunit…

Pagninilay 282: Pagdurusa, Pag-uusig, Pang-aabuso at Kahihiyan

Maaaring hindi ka kaagad maakit sa pamagat na ito. Sino ba ang magnanais na tiisin ang mga bagay na ito? Ngunit dapat nating alalahanin na tiniis ni Hesus ang lahat ng ito sa pinakamatinding antas. Maligaya ba si Hesus? Payapa ba ang Kanyang kaluluwa? Walang alinlangan. Ipinahahayag nito sa…

Pagninilay 93: Ang Pagtatagpo ng Pag-ibig at Kasalanan

Saan nagtatagpo ang pag-ibig at kasalanan?  Nagtatagpo ang mga ito sa pag-uusig, pangungutya at masamang hangaring ipinadama sa ating Panginoon.  Siya ang ganap na pag-ibig na nagkatawang-tao.  Walang hanggan ang Awa sa Kanyang Puso.  Hindi kayang ilarawan ng isip ang Kanyang pagkalinga at malasakit sa lahat ng tao.  Gayunman, kinutya Siya ng mga kawal…

Pagninilay 76: Di-makatarungang mga Paratang

Marahil ay nakaranas na ang lahat ng di-makatarungang paratang mula sa kapwa. Maaaring talagang nagkakamali lamang ang iba tungkol sa mga pangyayari o sa ating layunin sa ating ginagawa. O maaaring mas mapanira at malupit ang kanilang layunin. Ang maparatangan nang mali ay maaaring maging lubhang masakit at…