Tagalog

Pagninilay 126: Pagkatakot Bilang Anak – Ang Mabuting Takot

May takot ka ba sa iyong buhay? Mahalagang malaman na may takot na lubhang nakasasama, na nagmumula sa isang uri ng kapalaluan, samantalang may takot namang lubhang nakabubuti, na bunga ng iyong malalim na pagmamahal sa Diyos. Ang “banal na pagkatakot” ay pagkatakot bilang anak, ang pagkatakot ng isang anak ng Diyos. Ang…

Pagninilay 115: Ang Kalooban ng Diyos ang Mag-iingat sa Iyo

Ang Kalooban ng Diyos ay higit pa sa isang plano para sa kinabukasan na inilaan Niya para sa iyo. Higit pa ito sa Kanyang mga inaasam at pangarap para sa iyo. Ang Kanyang Kalooban ang iyong landas tungo sa kabanalan at bukal ng pinakadakilang kaaliwan at kagalakan. Ang Kanyang Kalooban ay kapwa aktibo at pasibo (nagpapahintulot). Ito ay…

Pagninilay 114: Pagkalas sa Mundo

Maraming ulit na binabanggit sa Banal na Kasulatan ang “mundo,” lalo na ng mismong si Jesus. Sinabi Niya na kapopootan ka ng mundo at hindi ka nito mauunawaan. Sa katunayan, uusigin ka ng mundo. Maaari itong maging sanhi ng takot at pagkabalisa para sa ilan. Nagdudulot ito ng ganitong mga damdamin sa ating kalooban…

Pagninilay 111: Ang mga Kasinungalingan ng Masama

Tutuksuhin tayo ng diyablo sa maraming paraan. Isang karaniwang paraan ng pag-atake niya sa atin ang pagpapaalala sa atin ng ating mga kasalanan, pati na ang mga naipangumpisal na natin. Gustong-gusto niyang papaniwalain tayo na mali ang ating tinatahak na landas, na hindi tayo kalugud-lugod sa Diyos, na tayo ay mga sinungaling at makasalanan. At…

Pagninilay 107: Pagbubukas ng Iyong Kaluluwa sa Kumpisal

Ipinadadala sa atin ng Diyos ang Kanyang mga kinatawan sa katauhan ng Kanyang mga pari. Bagaman hindi perpekto ang mga pari, mga kinatawan pa rin sila ng Diyos. Lalo itong totoo sa Sakramento ng Pakikipagkasundo. Mahalagang lumapit tayo sa Sakramentong iyon…

Pagninilay 105: Mga Bunga ng Pananahan ng Diyos

Ano ang mararanasan mo kung ganap na mananahan ang Diyos sa kaibuturan ng iyong kaluluwa? Kapayapaan, kagalakan at pagkamangha! At mula sa mga kaloob na ito, at sa pananahan ng Santatlo, magkakaroon ka ng tapang sa harap ng paghihirap, lakas upang iwaksi ang takot at isang di-malalampasang pananggalang…

Pagninilay 96: Ang Dakilang Plano ng Diyos para sa Iyo

Tayong lahat, paminsan-minsan, ay maaaring mangarap ng kadakilaan. Paano kung mayaman at tanyag ako? Paano kung makapangyarihan ako sa mundong ito? Paano kung ako ang Papa o ang Pangulo? Ngunit makatitiyak tayo na talagang may mga dakilang bagay na niloloob ang Diyos para sa atin. Tinatawag Niya tayo sa isang kadakilaan…

Pagninilay 94: Pagharap sa Masama

Kung nais mong iwasan ang matinding poot ng Masama, huwag kang magsikap na maging banal. Kapopootan ka pa rin ni Satanas, ngunit hindi kasintindi ng pagkapoot niya sa isang santo. Ngunit, siyempre, kahangalan ito! Bakit iiwasan ninuman ang kabanalan para lamang makaiwas sa poot…

Pagninilay 80: Sa Oras ng Ating Kamatayan

Kung dinasal mo na ang “Aba Ginoong Maria,” naipanalangin mo na ang iyong huling oras sa mundong ito: “Ipanalangin mo kami ngayon at kung kami’y mamamatay.”  Nakakatakot ang kamatayan para sa maraming tao, at karaniwan ay ayaw nating isipin ang oras ng ating kamatayan.  Ngunit…

Pagninilay 65: Hesus, Aking Amo

Panatag ka bang tawaging Amo si Hesus? Maaaring mas nais ng ilan na tawagin Siyang “kaibigan” o “pastol.” At totoo ang mga titulong ito. Ngunit paano naman ang titulong Amo? Nararapat na tayong lahat ay humantong sa pag-aalay ng ating sarili sa ating Panginoon bilang Amo ng ating buhay. Hindi lamang tayo dapat maging mga lingkod…