“Ang Apostol na si Pedro Habang Nananalangin” ni Hendrick Bloemaert
Sa tamang panahon, kung buong puso nating hinahanap ang Diyos araw-araw, makatatanggap tayo ng sandali ng kaaliwan. Maaaring ito ay di-inaasahang kapayapaan o kagalakan, maaari tayong makadama ng kaliwanagan at lakas ng loob, o maaari nating madama ang presensya ng Diyos sa ating buhay. Anuman ang anyo nito, alalahanin ang mga sandali ng kaaliwang tinatanggap mo. Hindi natin mararanasan ang mga ito araw-araw, ngunit ibinibigay ang mga ito sa ilang sandali upang ipaalala sa atin na kasama natin ang Diyos. Alalahanin ang mga sandaling iyon, lalo na kapag nahihirapan ka (Tingnan ang Talaarawan #27).
Pagnilayan mo ngayon ang huling sandaling nakaranas ka ng biyaya o kaaliwan mula sa Diyos. Ano ang sinasabi Niya sa iyo sa pamamagitan ng karanasang iyon? Pagnilayan ito, manatili rito, ipagpasalamat ito at alalahanin ito. Hayaang mangusap sa iyo ang Diyos sa pamamagitan ng mga karanasang iyon at huwag kailanman kalimutan ang Kanyang sinasabi.
Panginoon, nagpapasalamat ako sa Iyo sa pagmamahal Mo sa akin nang ganap. Nagpapasalamat ako sa Iyo sa paglapit Mo sa akin sa mga sandaling pinakakailangan Kita. Tulungan Mo akong laging namnamin ang mga sandaling iyon at alalahanin ang mga ito kapag mahirap ang buhay. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.
Mga Pagninilay sa Banal na Kasulatan para sa Karaniwang Panahon
Higit Pang mga Pagninilay sa Banal na Awa
Mga Pagninilay sa Ebanghelyo Araw-araw
Mga Santo/Kapistahan Ngayong Araw




