Tagalog

Pagninilay 299: Ang Pagkapagod na Dulot ng Karunungan ng Tao

Ang Pangangaral ni San Pablo sa Efeso, ni Eustache Le Sueur

Video

Ang mga salita ng katotohanan na nagmumula sa Puso ng ating Panginoon ay nagdudulot ng kagalakan sa ating buhay at nagpapanibago sa ating diwa. Kapag naririnig mo ang mga salitang ito ng katotohanan, isinasapuso at isinasabuhay ang mga ito, napalalaya ka mula sa pasanin ng kamalian at maaari kang makaranas ng kagaanan at kaginhawahan ng kalooban. Gayunman, totoo rin ang kabaligtaran. Kapag nakikinig ka sa isang kamalian, tinatanggap at pinaniniwalaan ito, ang bunga ng kamaliang ito ay kalungkutan at bigat ng kalooban. Pinalalaya ka ng katotohanan at pinabibigatan ka ng kamalian. Mabuting bigyang-pansin ito kapag nagpapayo ka sa kapwa. Kung tila nagpapasigla at nagpapalakas sa kanila ang iyong mga salita, isa itong palatandaan na nagsasalita ka mula sa Puso ni Kristo. Gayundin kapag tinatanggap mo ang payo ng iba. Kung agad na tumitimo sa iyo ang kanilang mga salita at pinupuspos ka ng inspirasyon at kalinawan, makinig ka at tanggapin ang salitang ito sapagkat malamang na sinasambit nila ang mga salitang ibinigay sa kanila ng ating Panginoon upang sabihin sa iyo (Tingnan ang Talaarawan #1461).

Pagnilayan mo ngayon ang mga naging pag-uusap mo nitong nakaraang linggo. Ano ang naramdaman mo pagkatapos? Nakadama ka ba ng inspirasyon at pagpapanibago? O nakadama ka ng panunuyo ng kalooban at panlulumo? At paano nakaapekto sa iba ang iyong mga salita nitong nakaraang linggo? Napansin mo ba ang mabuting pagbabago sa kanila at ang paggaan ng kanilang kalooban? Suriin mo sa praktikal at kongkretong paraan ang iyong mga pakikipag-usap at muling italaga ang iyong sarili sa pakikinig at pagsasalita ng mga bagay na nagmumula sa mahabaging Puso ni Hesus.

Panginoon, hangad kong maging kasangkapan ng Iyong Awa sa lahat ng paraan. Idinadalangin ko ngayon na magawa ko ito lalo na sa pamamagitan ng mga salitang sinasabi ko sa iba. Maging Salita Mo nawa ang aking mga salita, minamahal kong Panginoon. At hanapin ko nawa ang kaginhawahan mula sa Iyong Puso habang binubuksan ko ang aking sarili sa Iyong Salitang ipinahahayag sa pamamagitan ng iba. Mahal Kita, minamahal kong Panginoon, tulungan Mo akong mahalin Ka nang higit pa at maging kasangkapan ng pag-ibig na iyon sa lahat ng aking nakakausap. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Nobena kay San Judas Tadeo
Para sa mga Sitwasyon at Kasong Wala Nang Pag-asa
Maaaring dasalin anumang panahon ng taon, lalo na sa Oktubre 19–27

Mag-subscribe sa aming YouTube channel!
Maabisuhan tungkol sa bagong nilalaman.

Ang Oktubre ay buwan ng Santo Rosaryo

Higit Pang mga Pagninilay sa Banal na Awa

Mga Pagninilay sa Ebanghelyo Araw-araw

Mga Santo/Kapistahan Ngayon