Tagalog

Pagninilay 120: Dalisay na Pag-ibig sa Diyos

Ang pinakalayunin ng iyong buhay ay ang magmahal. At higit na tiyak, ang unahin ang pagmamahal sa Diyos nang may dalisay na pag-ibig. Upang maging dalisay ang pag-ibig, dapat itong maging malaya sa anumang pagkamakasarili. Tanging ang minamahal lamang ang pinagtutuunan ng dalisay na pag-ibig. Kapag minamahal natin ang Diyos nang may dalisay na pag-ibig, matutuklasan nating tayo ay…

Magbasa pa

Pagninilay 119: Panloob at Panlabas na mga Pagpapakasakit

Ang pagpapakasakit ay ang pagsasanay na itanggi ang sariling kalooban upang lalong makalaya sa pagkakapit sa mga lumilipas na bagay ng mundong ito.  Dapat nating sikaping huwag kumapit sa anuman maliban sa Diyos at sa Kanyang banal na Kalooban.  Hindi naman masama ang lahat ng ating gusto o hinahangad, ngunit kung nais natin ng tunay na kabanalan, ang ating…

Magbasa pa

Pagninilay 118: Isang Pusong Mapagmatigas

Isa sa mga pangunahing paraan ng paghadlang natin sa pagpasok ng Awa ng Diyos sa ating buhay ay ang pagmamatigas.  Partikular, kapag dahil sa ating kapalaluan ay mahigpit nating pinanghahawakan ang sarili nating opinyon at sa gayon ay hindi tayo nagiging bukas sa katotohanan, isinasara natin ang pinto sa biyaya.  Ito ay…

Magbasa pa

Pagninilay 117: Ang Klawsura ng Iyong Puso

May mga madre at mongheng namumuhay sa loob ng klawsura. Walang sinumang maaaring pumasok sa klawsurang iyon nang walang sapat na dahilan, maliban kung kabilang siya sa pamayanang iyon ng pananampalataya. Ang iba ay maaari lamang pumasok nang may pahintulot ng superyor. Maaaring…

Magbasa pa

Pagninilay 116: Ang Pag-asa ng Diyos sa Atin

Ang Diyos ay ganap na hindi umaasa sa iba sapagkat lubos Niyang pinananatili ang Kanyang sariling pag-iral. Ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay bumubuo ng isang ganap na pagkakaisa kung saan Sila ay magkakaugnay at umaasa sa isa’t isa. At ang pag-asang ito sa isa’t isa ang tanging kailangan Nila. Gayunman, malayang pinili ng Santatlo na umasa…

Magbasa pa

Pagninilay 115: Ang Kalooban ng Diyos ang Mag-iingat sa Iyo

Ang Kalooban ng Diyos ay higit pa sa isang plano para sa kinabukasan na inilaan Niya para sa iyo. Higit pa ito sa Kanyang mga inaasam at pangarap para sa iyo. Ang Kanyang Kalooban ang iyong landas tungo sa kabanalan at bukal ng pinakadakilang kaaliwan at kagalakan. Ang Kanyang Kalooban ay kapwa aktibo at pasibo (nagpapahintulot). Ito ay…

Magbasa pa

Pagninilay 114: Pagkalas sa Mundo

Maraming ulit na binabanggit sa Banal na Kasulatan ang “mundo,” lalo na ng mismong si Jesus. Sinabi Niya na kapopootan ka ng mundo at hindi ka nito mauunawaan. Sa katunayan, uusigin ka ng mundo. Maaari itong maging sanhi ng takot at pagkabalisa para sa ilan. Nagdudulot ito ng ganitong mga damdamin sa ating kalooban…

Magbasa pa

Pagninilay 113: Isang Handog sa Amang Walang Hanggan

Ang pinakadakilang panalanging maaari nating ialay ay ang “panalangin ng pag-aalay.”  Ang panalangin ng pag-aalay ay isang sakripisyong iniaalay sa Ama na kaisa ng Iisang Handog na Sakripisyo ni Kristo sa Krus.  Hindi natin iniaalay ang ating sarili nang sa sarili lamang natin.  Iniaalay natin ang ating sarili na kaisa ni Kristo Hesus.  Partikular…

Magbasa pa