Tagalog

Pagninilay 84: Ang Banal na Ostiya

Hindi kailanman magiging sapat ang lalim ng ating pagmamahal at pagsamba kay Kristo na naroroon sa Kabanal-banalang Eukaristiya.  Kapag tayo ay nasa harap Niya, na naroroon sa Kabanal-banalang Eukaristiya, dapat nating makita ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat na naroroon sa anyong natatalukbungan.  Siya ay: Awa, Buhay na Walang Hanggan, Ang Walang Hanggang…

Pagninilay 81: Kapangyarihan at Awa

Isipin ang isang diktador ng isang bansa na may ganap na kapangyarihan at lubhang magagalitin, mapaghangad ng masama, at mapaghiganti. Hindi mo nanaising magalit sa iyo ang ganitong tao. Ngayon, isipin naman ang kabaligtaran. Isipin ang isang may ganap na kapangyarihan at pinagkalooban din ng pusong puspos ng dalisay na…

Pagninilay 80: Sa Oras ng Ating Kamatayan

Kung dinasal mo na ang “Aba Ginoong Maria,” naipanalangin mo na ang iyong huling oras sa mundong ito: “Ipanalangin mo kami ngayon at kung kami’y mamamatay.”  Nakakatakot ang kamatayan para sa maraming tao, at karaniwan ay ayaw nating isipin ang oras ng ating kamatayan.  Ngunit…

Pagninilay 77: Alam ng Panginoon ang Lahat

Tiyak na tiyak na alam ng ating Banal na Panginoon ang lahat ng bagay.  Batid Niya ang bawat iniisip natin at bawat pangangailangang dala natin, nang higit pa sa ating mauunawaan kailanman.  Kung minsan, habang nauunawaan natin ang Kanyang ganap na kaalaman, maaari nating asahang tutugunan Niya ang lahat ng ating pangangailangan kahit…

Pagninilay 76: Di-makatarungang mga Paratang

Marahil ay nakaranas na ang lahat ng di-makatarungang paratang mula sa kapwa. Maaaring talagang nagkakamali lamang ang iba tungkol sa mga pangyayari o sa ating layunin sa ating ginagawa. O maaaring mas mapanira at malupit ang kanilang layunin. Ang maparatangan nang mali ay maaaring maging lubhang masakit at…

Pagninilay 74: Isang Pusong Mahabagin

May pagkakaiba ba ang “simpatiya” at “habag?” Kung mayroon, ano ang pagkakaiba? At alin ang higit na kanais-nais? Ang simpatiya ay nangangahulugan lamang na nalulungkot tayo para sa iba. Sa isang diwa, nangangahulugan ito na naaawa tayo sa kanila. Ngunit higit pa rito ang habag. Nangangahulugan ito na tayo ay…

Pagninilay 73: Paglalim ng Ating Pagnanais kay Jesus

Habang lalo nating nakikilala si Jesus, lalo natin Siyang ninanais. At habang lalo natin Siyang ninanais, lalo natin Siyang nakikilala. Ito ay isang magandang karanasan ng patuloy na pagkilala at pagnanais, pagnanais at pagkilala (Tingnan ang Talaarawan #273)…

Pagninilay 72: Isang Di-Maarok na Misteryo

Kapag pumasok ang Diyos sa iyong kaluluwa, kumikilos Siya sa paraang hindi mo kailanman lubos na mauunawaan. Ang Kanyang biyaya at Awa ay nananatiling isang misteryong mas malalim kaysa sa mga karagatan at mas malawak kaysa sa pinakamalayong hangganan ng Sansinukob. Ang pag-unawa sa di-maarok na kalikasan…

Pagninilay 66: Katarungan sa Pamamagitan ng Awa

May mga taong araw-araw na nakararanas ng kalupitan at pagmamalupit ng iba. Lubhang masakit ito. Dahil dito, maaaring magkaroon ng matinding pagnanais na makamit ang katarungan upang mapanagot ang taong nagdudulot ng sakit. Ngunit ang tunay na tanong ay ito: Ano ang ipinagagawa sa akin ng Panginoon? Paano ako…

Pagninilay 63: Paano Ka Makipag-usap sa Iba?

Kapag nakikipag-usap tayo sa iba, dapat dumaloy mula sa ating mga labi ang pag-ibig at Awa ng Diyos.  Ngunit paano?  Paano ba tayo dapat magsalita?  Isang paraan upang suriin ang ating pananalita sa kapwa ay tingnan ito ayon sa kung paano tayo dapat makipag-usap sa Diyos.  Kapag nakikipag-usap sa Diyos, dapat tayong magsalita nang tapat…