Tagalog

Pagninilay 97: Ang “Dahilan” ng Ating Kahinaan

Kung hihilingin sa iyo na bumuo ng isang sasakyang pangkalawakan mula sa simula, maaari kang tumutol at sabihing wala kang sapat na kakayahan sa larangang ito at, samakatuwid, hindi mo magagawa ang hinihiling sa iyo. Madalas ay ganito rin ang tugon natin sa Diyos hinggil sa Kanyang Kalooban. Madali nating madama…

Pagninilay 96: Ang Dakilang Plano ng Diyos para sa Iyo

Tayong lahat, paminsan-minsan, ay maaaring mangarap ng kadakilaan. Paano kung mayaman at tanyag ako? Paano kung makapangyarihan ako sa mundong ito? Paano kung ako ang Papa o ang Pangulo? Ngunit makatitiyak tayo na talagang may mga dakilang bagay na niloloob ang Diyos para sa atin. Tinatawag Niya tayo sa isang kadakilaan…

Pagninilay 91: Ang Panalangin para sa Kapwa ay Nagbubukas ng Pinto

Ang Diyos lamang ang nakaaalam ng tunay na pangangailangan ng kapwa.  Hindi natin mababasa ang kaluluwa ng iba maliban kung ipagkaloob sa atin ng Diyos ang natatanging biyayang ito.  Ngunit bawat isa sa atin ay tinatawag na manalangin nang taimtim para sa kapwa.  Kung minsan, kung bukás tayo, ilalagay ng Diyos sa ating puso ang pangangailangang manalangin nang taimtim…

Pagninilay 87: Ang Kalooban ng Diyos sa Lahat ng Bagay

Hindi ba’t napakaganda kung lagi mong magagawa ang Kalooban ng Diyos? Kung maaari mo lamang piliing ganap na magsabi ng “Oo” sa Diyos sa lahat ng bagay at sa bawat sitwasyon? Ang totoo, kaya mo ito. Ang tanging humahadlang sa iyo sa lubos na pagpiling ito ay ang sarili mong matigas na…

Pagninilay 85: Panloob na Pagpapakasakit

Isa sa mga pinakadakilang handog na maiaalay natin sa ating Banal na Panginoon ay ang pagmamatigas ng ating kalooban.  Madalas nating gustong makuha ang nais natin, sa oras na nais natin.  Maaaring maging matigas at mapagpilit ang ating kalooban, at madali nitong mapaghaharian ang ating buong pagkatao.  Dahil sa makasalanang pagkahilig na ito sa pagmamatigas ng kalooban, isang…

Pagninilay 82: Mga Bagay na Kinakapitan

Maraming bagay sa buhay na maaari nating kapitan.  Kung minsan, maging ang mabubuting bagay ay maaari nating kapitan.  Kadalasan, ang kinakapitan natin ay ang sarili nating matigas na kalooban.  Gusto nating makuha ang gusto natin sa oras na gusto natin.  Isang susi sa tunay na…

Pagninilay 78: Pagnanais ng Kaligayahan

Ang pinakapangunahing hangarin natin ay ang maging maligaya.  Lahat ng ginagawa natin, sa anumang paraan, ay ginagawa upang matulungan tayong makamit ang layuning ito.  Maging ang pagkakasala ay nagagawa dahil sa maling akalang aakay ito sa atin tungo sa kaligayahan.  Ngunit iisa lamang ang bukal ng kaganapan ng tao at iisa lamang ang bukal…

Pagninilay 65: Hesus, Aking Amo

Panatag ka bang tawaging Amo si Hesus? Maaaring mas nais ng ilan na tawagin Siyang “kaibigan” o “pastol.” At totoo ang mga titulong ito. Ngunit paano naman ang titulong Amo? Nararapat na tayong lahat ay humantong sa pag-aalay ng ating sarili sa ating Panginoon bilang Amo ng ating buhay. Hindi lamang tayo dapat maging mga lingkod…

Pagninilay 60: Pagharap sa Espirituwal na Tagtuyot

Nararamdaman mo ba kung minsan na tila dumaranas ng espirituwal na tagtuyot ang iyong kaluluwa?  Nais mo bang makaranas ng higit na espirituwal na kaaliwan sa iyong pang-araw-araw na buhay?  Karaniwan ang ganitong pakikibaka, at hindi natin ito dapat ikabahala.  Ang pangunahing layunin ng ating espirituwal na buhay ay ang gawin ang Kalooban ng Diyos.  Kadalasan…

Pagninilay 43: Pagtitiis sa Kahirapan

Ano ang higit na mahalaga sa Diyos? Ang magtagumpay sa lahat ng iyong nilalayong gawin, o ang tiisin ang bawat kahirapan sa buhay nang may pagtitiyaga at kapayapaan? Maaaring mahirapan ang marami sa tanong na ito at naising piliin ang dalawa. Tiyak na madaling makita na kung sisikapin nating tuparin ang Kalooban ng Diyos at…