Tagalog

Pagninilay 39: Pagkawala ng Kaaliwang Espirituwal

Madaling mahulog sa bitag ng pag-aakalang dahil sumusunod tayo kay Hesus, dapat tayong patuloy na makadama ng kaaliwan at kapanatagan sa lahat ng ating ginagawa. Totoo ba iyon? Oo at hindi. Sa isang diwa, magiging patuloy ang ating kaaliwan kung lagi nating tinutupad ang Kalooban ng Diyos at alam nating tinutupad natin ito. Gayunman…

Pagninilay 30: Pagsunod sa Diyos

Isang susi sa kabanalan ang pagsunod. Nawala kina Adan at Eva ang biyaya dahil sa pagsuway, at naibabalik tayo sa biyaya sa pamamagitan ng pagsunod. Maaaring mahirap ang pagsunod at nangangailangan ito ng isang malalim na pasya ng kalooban. Humanap ng mga pagkakataong sumunod kay Hesus, lalo na kapag ikaw ay…

Pagninilay 356: Ang Pagpintig ng Iyong Puso

Kapag may pananabik sa iyong buhay, nagsisimulang bumilis ang tibok ng iyong puso.  Likas na tugon ito.  Kaya naman, mabuting pagnilayan: tumitibok ba ang iyong puso para sa Diyos?  Hinahayaan mo bang mapuspos ka ng banal na pagkamangha sa presensya ng Diyos?  Ikaw ba…

Pagninilay 353: Isang Himno ng Kaluwalhatian

Ang musika ay pagtuklas at pagpapahayag ng mga likas na batas ng nilikha ng Diyos, na nakabatay sa kaayusan at ritmong matatagpuan sa likas na disenyo nito. May musikang gumagamit ng likas na kaayusan ng mga bagay upang luwalhatiin ang mga makalupang realidad. May mga anyo pa nga ng musika na nagpapahayag ng kasalanan at kaguluhan. Ngunit…

Pagninilay 349: Ang Pagkawala ng Kapayapaan ng Iyong Puso

Ano ang may kapangyarihang magnakaw ng kapayapaan at kapanatagan ng iyong puso? Paano kung ikaw ay insultuhin, kutyain, husgahan nang mali, ibilanggo, bugbugin o patayin pa nga? Maaagaw ba ng alinman sa mga ito ang kapayapaan ng Diyos sa iyong puso? Kung hahayaan mo lamang. Napakahalagang malaman mo at maniwala…

Pagninilay 348: Tinutupad ng Diyos ang Kanyang Inihahayag

Kamangha-manghang pag-isipan nang magkasabay ang dalawang katotohanan. Una, isipin na paulit-ulit na narinig ni Santa Faustina na sinasabi sa kanya ni Hesus na nais Niyang opisyal na itakda at ipagdiwang ang Kapistahan ng Dakilang Awa sa Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay taun-taon. Paano maisasakatuparan ng abang monghang ito na namumuhay sa klawsura ang gayong gawain…

Pagninilay 340: Ang Pagdanas ng Pagsubok

Maaaring hindi ito kaagad maging kaaya-aya, ngunit kung minsan ay malaki ang naidudulot na kabutihan sa atin ng pagdanas ng pagsubok. Ipinahihintulot ito ng Panginoon sa iba’t ibang paraan. Ang pagdanas ng pagsubok ay hindi isang tukso; sa halip, ito ay isang paraan ng Panginoon na hayaan tayong magtiis ng pagsubok upang anyayahan tayong magpasakop nang mas lubos sa Kanyang banal na Kalooban. Kapag…

Pagninilay 336: Ang mga Kayamanan ng Mundo…o ang Diyos?

Kapansin-pansin kung gaano kadalas nating hangarin ang mga ari-arian sa mundo. Kahit mapasaiyo lamang ang lahat ng kayamanan sa mundo, hindi nito mapupunan ang pananabik ng iyong puso. Iisa lamang ang makapupuno sa kahungkagan sa iyong kalooban—ang Panginoon at ang Kanyang banal na Kalooban. Wala nang iba…

Pagninilay 333: Kapayakan

Kung minsan, tila masalimuot ang buhay, at maaari ring maging gayon tayo.  Ngunit ang totoo, kailangan nating lampasan ang mga kasalimuotan ng buhay at maunawaan na, sa pananaw at Kalooban ng Diyos, payak ang buhay.  Payak ito sapagkat ang kailangan lamang nating gawin ay magsabi ng “Oo” sa Kanya araw-araw, ipinauubaya ang lahat sa Kanya at nagtitiwala…

Pagninilay 331: Walang Lampas sa Iyong Lakas

Mahalagang malaman na hindi kailanman pahihintulutan ng Panginoon na magpasan ka ng krus na lampas sa iyong lakas. Naniniwala ka ba rito? Kung oo, dapat itong makatulong sa iyo na ituon ang iyong mga mata sa landas na tatahakin at buong tapang na sumulong sa pagtupad sa Kalooban ng Diyos. Kung may dumating na mga pagsubok sa iyo, kahit na…