Tagalog

Pagninilay 43: Pagtitiis sa Kahirapan

Ano ang higit na mahalaga sa Diyos? Ang magtagumpay sa lahat ng iyong nilalayong gawin, o ang tiisin ang bawat kahirapan sa buhay nang may pagtitiyaga at kapayapaan? Maaaring mahirapan ang marami sa tanong na ito at naising piliin ang dalawa. Tiyak na madaling makita na kung sisikapin nating tuparin ang Kalooban ng Diyos at…

Pagninilay 29: Mga Sandali ng Kaaliwan

Sa tamang panahon, kung buong puso nating hinahanap ang Diyos araw-araw, makatatanggap tayo ng sandali ng kaaliwan. Maaaring ito ay di-inaasahang kapayapaan o kagalakan, maaari tayong makadama ng kaliwanagan at lakas ng loob, o maaari nating madama ang presensya ng Diyos sa ating…

Pagninilay 360: Labanang Espirituwal

Totoo ang manunukso, si satanas, ngunit hindi siya dapat katakutan.  Huwag mo siyang pansinin.  Huwag mong patulan ang kanyang mga ideya.  Huwag kang makipagtawaran sa kanya.  Sa harap ng mga tukso, dapat kang magkaroon ng tapang, pagtitiwala sa Awa ng Diyos, at pag-asa.  Huwag maging…

Pagninilay 352: Pagpaparusa at Pagkakasala

Maaaring hindi kaaya-ayang pagnilayan ang pagpaparusa ng Diyos. Ngunit dapat maunawaan na tunay ang Kanyang mga parusa at ang mga ito ay pagpapahayag ng Kanyang saganang Awa. Kapag ang mga kaluluwa ay tumatalikod sa Diyos at tumatanggi sa Kanyang Awa, lubhang nasusugatan ang Kanyang Puso. Dahil dito, ang Diyos ay nagiging…

Pagninilay 349: Ang Pagkawala ng Kapayapaan ng Iyong Puso

Ano ang may kapangyarihang magnakaw ng kapayapaan at kapanatagan ng iyong puso? Paano kung ikaw ay insultuhin, kutyain, husgahan nang mali, ibilanggo, bugbugin o patayin pa nga? Maaagaw ba ng alinman sa mga ito ang kapayapaan ng Diyos sa iyong puso? Kung hahayaan mo lamang. Napakahalagang malaman mo at maniwala…

Pagninilay 337: Pagtulong sa mga Nababalisa

Sa ating buhay, halos tiyak na paminsan-minsan ay makakatagpo tayo ng mga taong hindi mapakali, nababagabag o nag-aalala. Maaaring labis silang nakatuon sa kung anu-anong bagay at maaaring hindi na gaanong makatuwiran ang kanilang pag-iisip. Anong laking pagkakataong puspos ng biyaya ito upang magpakita ng Awa. Ang pagkabalisa…

Pagninilay 335: Walang Sawang Nagpapatawad 

Isa sa pinakamahirap gawin sa buhay ang ipanalangin ang mga umuusig sa iyo at pakitunguhan sila nang may lubos na paggalang at habag.  Ngunit ano ang mapapala mo sa pagkapoot sa kanila o sa pagbubuhos ng iyong galit sa kanila?  Ang ganitong “pananakit” sa kanila ay higit na nakapipinsala sa iyong sariling kaluluwa kaysa sa kanila.  Magpatawad…