Tagalog

Pagninilay 327: Ang Natatagong Presensya ng Diyos

Nagkukubli ang Diyos. Ngunit bakit? Nagkukubli Siya sa likod ng tabing ng lihim at katahimikan upang masigasig natin Siyang hanapin. Hindi Niya pinipiling makipagpaligsahan sa mga panggagambala ng mundo sapagkat nais Niyang piliin mo Siya bilang iyong tanging hangarin. Hangarin mong hanapin Siya, na natatago sa iyong puso…

Pagninilay 313: Mga Gabing Walang Tulog

May mga taong madaling makatulog gabi-gabi at tuluy-tuloy ang tulog hanggang umaga. Mayroon namang hirap na hirap makatulog, at nagiging mabigat na pasanin at sanhi ng panghihina ng loob ang kalagayang ito. Kung isa ka sa mga nahihirapang makatulog nang madalas, o kahit paminsan-minsan lamang, tingnan…

Pagninilay 303: Katahimikan

Isa sa mga panganib na nararanasan ng marami sa ating makabagong daigdig ng teknolohiya ay ang walang tigil na ingay. Madali tayong mabugahan ng samu’t saring usapan sa buong maghapon. Maaaring mula ito sa radyo, TV, Internet, o sa walang patid na pagsasalita ng iba. Bihira tayong magkaroon ng mga sandali ng ganap na…

Pagninilay 292: Ang Halaga ng mga Natatanging Bokasyon

May mga taong tinatawag sa isang natatanging buhay ng panalangin at pag-iisa sa loob ng buhay-relihiyoso.  Sa partikular, may mga tinatawag sa buhay-ermitanyo o sa klawsura.  Ang mga banal na kaluluwang ito ay hiwalay sa mundo at ginugugol ang kanilang mga araw sa tahimik na panalangin at paggawa.  Ngunit…

Pagninilay 291: Ang Halaga ng Tahimik at Nakatagong Pagdurusa

Kapag may nagpapabigat sa atin, madalas tayong humingi ng kaaliwan sa iba sa pamamagitan ng hayagang pagsasabi ng ating mga pagdurusa. Bagama’t maaaring makatulong ang pagbabahagi ng ating mga pasanin sa iba hanggang sa isang antas, malaki rin ang halaga ng pagyakap sa mga ito nang tahimik at lingid sa iba. Ito…

Pagninilay 288: Katahimikan sa Harap ng Pangungutya

Kung ipinagkaloob sa iyo ang maluwalhating kaloob ng malalim na pananampalataya, marami ang makakakita nito at magagalak dito. Ngunit maaari rin itong maging dahilan upang mainggit ang ilan. Ito ay isang malungkot at masakit na karanasan. Alamin mong ang pagkainggit ng iba ay hindi dulot mo o ng iyong pananampalataya, kundi ng kanilang kasalanan. Kaya, kung maranasan mo…

Pagninilay 250: Pananalanging Nakapatirapa sa Lupa

Kapag nananalangin ka, paano ka lumalapit sa ating Panginoon?  Tunay na mabuting ialay sa Kanya ang iyong buong araw nang may mapagmahal na debosyon at makipag-usap sa Kanya sa buong maghapon na parang sa iyong pinakamatalik na kaibigan.  Ngunit may mga pagkakataon ding kailangang maging marubdob ang ating panalangin at dapat itong ipahayag nang…

Pagninilay 233: Ang Tugon ng Katahimikan

May mga pagkakataong makatutulong ang pagsasalita sa Diyos nang bukas ang loob at nang masinsinan tungkol sa mga nararanasan natin sa buhay. Maaari mong madamang kailangan mong magsalita nang magsalita. At makikinig ang Diyos…