Tagalog

Pagninilay 305: Ang Lalim ng Pag-ibig ng Diyos

Isipin mong may isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa iyo dahil mahal ka niya. Napaharap siya sa isang sitwasyon kung saan alam niyang mamamatay ka kung hindi niya kusang-loob na iaalay ang kanyang buhay. Kaya buong tiwala siyang humakbang pasulong at inialay ang kanyang buhay kapalit ng sa iyo. Upang…

Pagninilay 208: Isang Espirituwal na Palaso ng Awa

Karaniwan, ang palaso ay nakasusugat at nakamamatay. Sa buong kasaysayan, ginamit ang mga palaso sa digmaan at pangangaso. Ngunit ibang-iba ang isang espirituwal na palaso ng Awa. Alalahanin ang mga salita ng propetang Simeon sa ating Mahal na Ina, “At ikaw mismo ay tatagosan ng isang tabak” (Lucas 2:35). At…

Pagninilay 201: Ang Gabing Kasama si Hesus sa Bilangguan

Isipin kung ano ang magiging pakiramdam kung sa isang mistikong paraan ay madala ka sa gabi ng Huwebes Santo. At isipin kung makikita at mararanasan mo ang lahat ng pinagdaanan ni Hesus. Isipin ang Kanyang paghihirap sa Halamanan, ang pangungutya at malupit na pagtrato…

Pagninilay 197: Nauuhaw Ako

“Nauuhaw Ako.” Napakalalim ng kahulugan ng dalawang payak na salitang ito. Sinambit ang mga ito ng ating Panginoon mula sa Krus. Sinikap ng isang kawal na maibsan ang Kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pag-aalok sa Kanya ng isang esponghang binasa sa maasim na alak upang mapawi ang Kanyang uhaw. Ang alak na naging suka ay sagisag ng kaluluwang naging…

Pagninilay 142: Ang Kapayapaan ng Panginoon ay Nagtataboy ng Kasamaan

Mahalagang kilalanin ang pag-iral ng masama, si Satanas. Mahalaga ring maunawaan ang kanyang galit at poot. Ang kanyang poot ay mas matindi kaysa sa kaya nating maunawaan. Hindi niya kayang tumigil sa pagkapoot sa atin at sa paghahangad na wasakin tayo gamit ang lahat ng kanyang kapangyarihan. Bakit mahalagang…

Pagninilay 137: Kapangyarihan sa Krus

Kapag nananalangin ka, nauupo ka ba kung minsan at pinagmamasdan ang krusipiho? Para sa isang tagalabas, ang krusipiho ay isang katotohanang mahirap maunawaan. Bakit natin itataas at pararangalan ang gayong kakila-kilabot na pangyayari? Ang malupit na pagpaslang sa Anak ng Diyos ay maaaring hindi kaagad makaakit sa atin. Gayunman…

Pagninilay 70: Pakikiisa sa Nagdurusang Kristo

Aling larawan ni Kristo ang higit na magaan sa iyong loob?  Sa aling larawan ka mas madaling makiisa?  Sa larawan ni Kristong niluluwalhati bilang Hari ng lahat?  O sa larawan ni Kristong hinagupit at nagdurusa?  Sa huli, itutuon natin ang ating mga mata sa Panginoon sa Kanyang kaluwalhatian at kamahalan at ito ang magiging…

Pagninilay 53: Mga Kahirapan sa Panalangin

May mga panloob at panlabas na kahirapan tayong nararanasan habang sinisikap nating gawing pang-araw-araw na gawi ang pananalangin.  Mga panloob na kahirapan: panghihina ng loob, pagkatuyot ng kaluluwa, kabigatan ng kalooban at mga tukso.  Napagtatagumpayan ang mga kahirapang ito sa pamamagitan ng pagtitiyaga at pagpupunyagi.  Mga panlabas…

featured image DM

Pagninilay 5: Pagtubos sa Sanlibutan

Ang Pagkakatawang-tao ang pinakadakilang gawa ng Awa na kailanma’y nakilala. Ang tanging sumunod na gawang humigit dito ay ang pagkamatay ni Hesus sa Krus, na dumurog sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng Kanyang dugo. Ang pagtubos sa sanlibutan, sa pamamagitan ng dugo sa Krus, ay isang gawa ng pag-ibig at Awa…