Tagalog

Pagninilay 204: Ang Takupis ng Iyong Kaluluwa

Ang takupis ng isang bulaklak ay ang panlabas na dahong nakapalibot sa mga nabubuong talulot, na nag-iingat sa mga ito habang lumalago. Isa itong uri ng “punlaan” kung saan lumalaki ang maseselang talulot. Habang lumalaki ang mga ito sa tagong lugar na ito, pinananatili silang ligtas ng takupis. At kapag ganap na silang lumaki, bumubuka ang takupis…

Pagninilay 184: Ang Awa sa Paglilingkod ng mga Pari

Hindi, hindi perpekto ang mga pari. Nagkakasala sila araw-araw. Patuloy nilang kailangan ang pagsisisi at pagbabalik-loob sa kanilang pang-araw-araw na buhay, tulad ng lahat ng tao. Ngunit sila ay mga pari. At dahil sa kanilang banal na ordinasyon, nangungusap ang Panginoon sa pamamagitan nila sa isang malinaw…

Pagninilay 179: Pagharap sa Panloob na Kapanglawan

“Ang Panginoon ang nagbigay at ang Panginoon ang bumawi…” (Job 1:21).  Tunay na totoo ito.  May mga pagkakataon sa buhay na nararanasan natin ang saganang kaaliwan mula sa Diyos.  Maaaring sa mga sandali ng malaking kagalakan sa pamilya, o kapag nararanasan natin ang walang-pasubaling pagmamahal ng kapwa.  Sa…

Pagninilay 178: Ang Kabanalan ay Hindi Kailanman Nakakamit nang Mag-isa

Hinahangad mo bang mamuhay nang banal?  Kung gayon, hindi mo ito magagawa nang mag-isa.  Kailangan mo ang tulong ng iba, at maging ng marami pang iba.  Binigyan tayo ng Panginoon ng maraming paraan upang magabayan ng mapagmahal na kamay ng iba.  Ang ilan ay pinagpalang magkaroon ng isang gabay na espirituwal sa loob ng maraming…

Pagninilay 160: Ang Awa sa Pangungumpisal

Natuklasan mo na ba ang malaking kagalakan ng pangungumpisal? May ilan na hindi itinuturing na isang malaking kagalakan ang Sakramento ng Kumpisal. Sa halip, nakikita nila ito bilang isang masakit at nakahihiyang karanasan. Ngunit marahil ay kailangan ng ilan ang pagpapakumbabang dulot ng isang tapat na pangungumpisal…

Pagninilay 111: Ang mga Kasinungalingan ng Masama

Tutuksuhin tayo ng diyablo sa maraming paraan. Isang karaniwang paraan ng pag-atake niya sa atin ang pagpapaalala sa atin ng ating mga kasalanan, pati na ang mga naipangumpisal na natin. Gustong-gusto niyang papaniwalain tayo na mali ang ating tinatahak na landas, na hindi tayo kalugud-lugod sa Diyos, na tayo ay mga sinungaling at makasalanan. At…

Pagninilay 107: Pagbubukas ng Iyong Kaluluwa sa Kumpisal

Ipinadadala sa atin ng Diyos ang Kanyang mga kinatawan sa katauhan ng Kanyang mga pari. Bagaman hindi perpekto ang mga pari, mga kinatawan pa rin sila ng Diyos. Lalo itong totoo sa Sakramento ng Pakikipagkasundo. Mahalagang lumapit tayo sa Sakramentong iyon…

Pagninilay 80: Sa Oras ng Ating Kamatayan

Kung dinasal mo na ang “Aba Ginoong Maria,” naipanalangin mo na ang iyong huling oras sa mundong ito: “Ipanalangin mo kami ngayon at kung kami’y mamamatay.”  Nakakatakot ang kamatayan para sa maraming tao, at karaniwan ay ayaw nating isipin ang oras ng ating kamatayan.  Ngunit…