Tagalog

Pagninilay 309: Pakikipag-usap sa Kapwa

Sa tuwing nakikipag-usap tayo sa kapwa, lagi itong pagkakataong maibahagi ang pag-ibig ng Diyos. Kahit ang karaniwang kuwentuhan ay may ganitong kakayahan. Halimbawa, ang matamang pakikinig sa mga detalye ng buhay ng kausap ay nagpapahayag ng malasakit at pag-aalala para sa kanya at nagpapakita na nakikita mo ang kanyang dignidad…

Pagninilay 303: Katahimikan

Isa sa mga panganib na nararanasan ng marami sa ating makabagong daigdig ng teknolohiya ay ang walang tigil na ingay. Madali tayong mabugahan ng samu’t saring usapan sa buong maghapon. Maaaring mula ito sa radyo, TV, Internet, o sa walang patid na pagsasalita ng iba. Bihira tayong magkaroon ng mga sandali ng ganap na…

Pagninilay 298: Ang Virus ng Walang Saysay na Pagbubulung-bulungan

Isang di-kanais-nais na hilig ng ating kalikasang-taong nasugatan ng kasalanan ang “pagbubulung-bulungan” tungkol sa kapwa.  Para itong virus: kapag may isang nagsimula, mabilis itong kumakalat sa iba.  Hindi mo namamalayan, marami na ang maaaring nagpapakalat ng mga sabi-sabi at tsismis na walang batayan sa katotohanan, o ng mga katotohanang sinasabi nang walang pag-ibig sa kapwa.  Ito…

Pagninilay 280: Pagwawalang-bahala sa Diyos

Binabalewala mo ba ang Diyos? Napakadali nitong gawin kaya naman napakadalas din itong mangyari. Madalas na nababalewala ang Diyos pagkatapos tumanggap ng Banal na Komunyon. Marami ang nasasanay na lumapit upang tanggapin Siya nang maraming gumugulo sa isip at kakaunti ang pansin sa kabanalan ng…

Pagninilay 279: Ang Iyong Panloob na Katiyakan

Dapat mong sikaping marinig ang Diyos na nangungusap sa iyo sa pamamagitan ng isang panloob na katiyakan sa iyong kaluluwa. May mga pagkakataong madarama mong malakas at malinaw ang Tinig ng Diyos, at sa ibang pagkakataon naman ay tila mahina at nakalilito ito. Maraming bagay ang maaaring makipag-agawan sa Tinig ng Diyos…

Pagninilay 278: Mga Bintana sa mga Hiwaga ng Awa ng Diyos

Hiniling kay Santa Faustina na magpaguhit ng isang larawan ni Hesus na may mga sinag ng Awa na dumadaloy mula sa Kanyang Puso. Ginawa niya ito, at tiniyak sa kanya ni Hesus na maraming kaluluwa ang maaakit patungo sa Kanya sa pamamagitan ng larawang ito. Kapansin-pansing pagnilayan ang kahalagahang ibinigay ni Hesus at ni Santa Faustina…

Pagninilay 227: Nahahadlangan ang mga Plano ng Tao

Madali para sa atin na bumuo ng inaakala nating isang napakagandang plano para sa ating buhay at para sa kaluwalhatian ng Diyos. Maaari tayong mag-isip, magplano, bumuo at magsaayos ng mga bagay sa isang tiyak na paraan, ngunit sa huli ay matutuklasan nating ang ating nabuo ay hindi pala ang nasa Isip ng Diyos…

Pagninilay 213: Ang Espirituwal na Kaloob ng Pag-unawa

Nauunawaan mo ba ang mga misteryo ng Diyos? Isipin mong isa kang teologo na maraming taon nang nag-aaral ng pananampalataya ng ating Simbahan. Ang kaalaman ba sa lahat ng larangan ng teolohiya ng ating Simbahan ay tiyak na magbubunga sa iyo ng tunay na pag-unawa sa mga…

Pagninilay 212: Pagdaig sa Pag-aalinlangan

Ano ang “pag-aalinlangan?” Ang mag-alinlangan ay ang magkulang sa pananampalataya, at ang magkulang sa pananampalataya ay ang magkulang sa pagtitiwala sa ganap na paghahayag at plano ng Kalooban ng Diyos. Una sa lahat, ang pag-aalinlangang bunga ng kakulangan sa pananampalataya ay nangangahulugang hindi ka nakikinig. Kapag nag-aalinlangan tayo sa Diyos, sa Kanyang plano at sa lahat ng Kanyang inihahayag sa atin, tayo…