Tagalog

Pagninilay 126: Pagkatakot Bilang Anak – Ang Mabuting Takot

May takot ka ba sa iyong buhay? Mahalagang malaman na may takot na lubhang nakasasama, na nagmumula sa isang uri ng kapalaluan, samantalang may takot namang lubhang nakabubuti, na bunga ng iyong malalim na pagmamahal sa Diyos. Ang “banal na pagkatakot” ay pagkatakot bilang anak, ang pagkatakot ng isang anak ng Diyos. Ang…

Pagninilay 125: Ang Kaluluwang Biktima

Alam mo bang pumipili ang ating Panginoon ng ilang tao para sa isang natatanging misyon ng pagdurusa? Pinipili Niya ang iilang taong ito upang higit silang matulad sa Kanya sa Kanyang pagdurusa bilang walang sala rito sa lupa. Ang mga banal na kaluluwang ito ay nagdurusa sa marami at sari-saring paraan. Sila ang nagpapatuloy sa…

Pagninilay 124: Ang Awa ng Panalangin ng Pamamagitan

Nais mo bang makita ang Banal na Awa ng Diyos na masaganang ibinubuhos sa sanlibutan? Sana, at marahil naman, madali mong maisasagot ang “Oo.” Mahalagang malaman na, sa ilang paraan, may pananagutan ka kung mangyayari ito o hindi. Sa partikular, si Hesus…

Pagninilay 122: Kung Makapipili Ka

Kung makapipili ka sa pagitan ng lahat ng kayamanan sa mundo at ng isang malapit at mapagmahal na ugnayan kay Hesus, alin ang pipiliin mo? Huwag kang sumagot agad. Maaaring alam nating ang pagpili kay Hesus ang tamang sagot, ngunit pipiliin mo ba Siya? Isipin ang kapangyarihan at makamundong “kalayaan” na…

Pagninilay 121: Ang Lihim na Hardin sa Kaibuturan ng Iyong Puso

Isipin mong may nakatagong looban sa iyong tahanan kung saan mayroon kang isang hardin. Walang sinumang nakaaalam tungkol sa lihim na harding ito. Dito ka nagtatanim, nagbubungkal, nagpapagal, nag-aalis ng mga damo, at nag-aani. Ang ani mula sa harding ito ay palihim na ipinamamahagi sa…

Pagninilay 120: Dalisay na Pag-ibig sa Diyos

Ang pinakalayunin ng iyong buhay ay ang magmahal. At higit na tiyak, ang unahin ang pagmamahal sa Diyos nang may dalisay na pag-ibig. Upang maging dalisay ang pag-ibig, dapat itong maging malaya sa anumang pagkamakasarili. Tanging ang minamahal lamang ang pinagtutuunan ng dalisay na pag-ibig. Kapag minamahal natin ang Diyos nang may dalisay na pag-ibig, matutuklasan nating tayo ay…

Pagninilay 119: Panloob at Panlabas na mga Pagpapakasakit

Ang pagpapakasakit ay ang pagsasanay na itanggi ang sariling kalooban upang lalong makalaya sa pagkakapit sa mga lumilipas na bagay ng mundong ito.  Dapat nating sikaping huwag kumapit sa anuman maliban sa Diyos at sa Kanyang banal na Kalooban.  Hindi naman masama ang lahat ng ating gusto o hinahangad, ngunit kung nais natin ng tunay na kabanalan, ang ating…

Pagninilay 115: Ang Kalooban ng Diyos ang Mag-iingat sa Iyo

Ang Kalooban ng Diyos ay higit pa sa isang plano para sa kinabukasan na inilaan Niya para sa iyo. Higit pa ito sa Kanyang mga inaasam at pangarap para sa iyo. Ang Kanyang Kalooban ang iyong landas tungo sa kabanalan at bukal ng pinakadakilang kaaliwan at kagalakan. Ang Kanyang Kalooban ay kapwa aktibo at pasibo (nagpapahintulot). Ito ay…

Pagninilay 114: Pagkalas sa Mundo

Maraming ulit na binabanggit sa Banal na Kasulatan ang “mundo,” lalo na ng mismong si Jesus. Sinabi Niya na kapopootan ka ng mundo at hindi ka nito mauunawaan. Sa katunayan, uusigin ka ng mundo. Maaari itong maging sanhi ng takot at pagkabalisa para sa ilan. Nagdudulot ito ng ganitong mga damdamin sa ating kalooban…

Pagninilay 113: Isang Handog sa Amang Walang Hanggan

Ang pinakadakilang panalanging maaari nating ialay ay ang “panalangin ng pag-aalay.”  Ang panalangin ng pag-aalay ay isang sakripisyong iniaalay sa Ama na kaisa ng Iisang Handog na Sakripisyo ni Kristo sa Krus.  Hindi natin iniaalay ang ating sarili nang sa sarili lamang natin.  Iniaalay natin ang ating sarili na kaisa ni Kristo Hesus.  Partikular…