Pagninilay 336: Ang mga Kayamanan ng Mundo…o ang Diyos?
Kapansin-pansin kung gaano kadalas nating hangarin ang mga ari-arian sa mundo. Kahit mapasaiyo lamang ang lahat ng kayamanan sa mundo, hindi nito mapupunan ang pananabik ng iyong puso. Iisa lamang ang makapupuno sa kahungkagan sa iyong kalooban—ang Panginoon at ang Kanyang banal na Kalooban. Wala nang iba…