Tagalog

Pagninilay 324: Ang Pinananabikang Sandaling Iyon

Ano ang pinananabikan mo sa buhay? Kung makapipili ka ng isang bagay na higit mong ninanais kaysa sa lahat, ano iyon? Kamatayan kaya? Marahil ay hindi. Nakapagtataka man, marahil ay higit na nanaisin ng pinakadakilang santo ang kamatayan kaysa sa anumang bagay sa buhay. Hindi ang maagang kamatayan o kamatayang pinili niya mismo; sa halip…

Pagninilay 283: Pagdaig sa Kasalanan

Napakasimple ng mensahe ng Awa ng Diyos kaya madali natin itong hindi mapansin, kahit matapos pagnilayan ang maraming pahina ng aklat na ito o ang Talaarawan ni Santa Faustina.  Ang payak na katotohanang dapat ipahayag ng mensahe ng Awa ng Diyos ay na hindi tayo dapat magkaroon ng anumang takot sa pag-amin ng ating mga kasalanan…

Pagninilay 271: Pagtanaw sa Kabila ng mga Balakid sa Buhay

Isang napakakaraniwang hilig at tuksong pinakikipaglabanan ng karamihan ang labis na pagtuon sa mga pagdurusa, kahihiyan, at maling akala ng iba. Kapag nararanasan natin ang isa o higit pa sa mga pasaning ito, maaari tayong matuksong gawing sentro ng ating buhay ang mga ito. Halimbawa…

Pagninilay 232: Pagpapakalma sa Bagyo

Alalahanin ang kuwento ng pagpapakalma ni Hesus sa bagyo (Mateo 8:23-27). Ang himalang ito ay ginawa bilang isang tandang propetiko na magdadala Siya sa iyo ng kapayapaan sa mga partikular na hamong kinakaharap mo sa buhay…

Pagninilay 187: Isang Bahaghari Pagkatapos ng Bagyo

Kamangha-mangha kung paanong ang Sangnilikha mismo ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos at nagtuturo sa atin tungkol sa pananampalataya.  Tingnan ang bahaghari.  Ito ay maliwanag at maganda, makulay at kahanga-hanga.  Nagagalak ang lahat kapag nakakakita ng bahaghari.  Ngunit walang bahaghari kung walang ulan o bagyo.  Ganyan ang buhay.  Tayo…

Pagninilay 171: Paghahambing ng Daigdig sa Langit

Subukan mong isipin kung ano ang magiging pananaw mo sa panahong ito ng iyong buhay sa daigdig kapag nasa Langit ka na. Hahanapin mo ba ang buhay na ito? Nanaisin mo bang bumalik? Hihilingin mo bang sana ay kumita ka ng mas maraming salapi o nagkaroon ng higit na makamundong tagumpay habang narito ka? Malamang ay hindi. Kung ihahambing sa Langit, kaawa-awa ang mundong ito. Hindi iyon…

Pagninilay 156: Ang Panginoon ang Ating Kanlungan

May mga pagkakataon sa buhay na nakadarama ka ng takot. Maaaring may napakahirap kang gawaing haharapin, o maaaring tinatahak mo ang isang landas na hindi mo alam kung saan hahantong. Ang mga ito, at marami pang ibang karanasan sa buhay, ay maaaring maging sanhi ng takot at pagkabalisa. Ang takot sa hindi nalalaman ay maaaring…

Pagninilay 115: Ang Kalooban ng Diyos ang Mag-iingat sa Iyo

Ang Kalooban ng Diyos ay higit pa sa isang plano para sa kinabukasan na inilaan Niya para sa iyo. Higit pa ito sa Kanyang mga inaasam at pangarap para sa iyo. Ang Kanyang Kalooban ang iyong landas tungo sa kabanalan at bukal ng pinakadakilang kaaliwan at kagalakan. Ang Kanyang Kalooban ay kapwa aktibo at pasibo (nagpapahintulot). Ito ay…

Pagninilay 86: Pagpapalambot sa Pinakamatitigas na Puso

Isipin ang isang malaking bloke ng yelo.  Ngayon, isipin na may isang mahalagang barya sa gitna ng blokeng iyon.  Upang makuha ang baryang iyon, kailangang matunaw ang bloke.  Maaari ring maging ganito ang ating mga puso.  May mga pusong sa paglipas ng panahon ay naging napakatigas na tila napakaliit na…

Pagninilay 54: Pananalangin para sa Iba

Madaling ipagpalagay na mapupunta sa Langit ang lahat ng ating kakilala. Siyempre, ito ang dapat nating asahan. Ngunit upang makamit ang Langit, kailangan ang tunay na pagbabalik-loob sa kaibuturan ng puso. Ang bawat taong pumapasok sa Langit ay naroon dahil sa personal na pasiyang ialay ang kanyang buhay kay Kristo at talikuran ang kasalanan. Paano…