Tagalog

Pagninilay 127: Ang Pag-ibig sa Diyos sa Pamamagitan ng Pagsunod

Tinatawag kang mahalin ang Diyos nang buong puso, isip, kaluluwa at lakas. Ngunit paano mo ito gagawin? Paano naipapakita sa ating buhay ang aktibong pagmamahal sa Diyos? Sa huli, minamahal natin ang Diyos sa pamamagitan ng banal na pagsunod. Dapat nating sundin ang Kanyang Banal na Kalooban nang higit sa lahat. Marahil…

Pagninilay 126: Pagkatakot Bilang Anak – Ang Mabuting Takot

May takot ka ba sa iyong buhay? Mahalagang malaman na may takot na lubhang nakasasama, na nagmumula sa isang uri ng kapalaluan, samantalang may takot namang lubhang nakabubuti, na bunga ng iyong malalim na pagmamahal sa Diyos. Ang “banal na pagkatakot” ay pagkatakot bilang anak, ang pagkatakot ng isang anak ng Diyos. Ang…

Pagninilay 125: Ang Kaluluwang Biktima

Alam mo bang pumipili ang ating Panginoon ng ilang tao para sa isang natatanging misyon ng pagdurusa? Pinipili Niya ang iilang taong ito upang higit silang matulad sa Kanya sa Kanyang pagdurusa bilang walang sala rito sa lupa. Ang mga banal na kaluluwang ito ay nagdurusa sa marami at sari-saring paraan. Sila ang nagpapatuloy sa…

Pagninilay 122: Kung Makapipili Ka

Kung makapipili ka sa pagitan ng lahat ng kayamanan sa mundo at ng isang malapit at mapagmahal na ugnayan kay Hesus, alin ang pipiliin mo? Huwag kang sumagot agad. Maaaring alam nating ang pagpili kay Hesus ang tamang sagot, ngunit pipiliin mo ba Siya? Isipin ang kapangyarihan at makamundong “kalayaan” na…

Pagninilay 121: Ang Lihim na Hardin sa Kaibuturan ng Iyong Puso

Isipin mong may nakatagong looban sa iyong tahanan kung saan mayroon kang isang hardin. Walang sinumang nakaaalam tungkol sa lihim na harding ito. Dito ka nagtatanim, nagbubungkal, nagpapagal, nag-aalis ng mga damo, at nag-aani. Ang ani mula sa harding ito ay palihim na ipinamamahagi sa…

Pagninilay 120: Dalisay na Pag-ibig sa Diyos

Ang pinakalayunin ng iyong buhay ay ang magmahal. At higit na tiyak, ang unahin ang pagmamahal sa Diyos nang may dalisay na pag-ibig. Upang maging dalisay ang pag-ibig, dapat itong maging malaya sa anumang pagkamakasarili. Tanging ang minamahal lamang ang pinagtutuunan ng dalisay na pag-ibig. Kapag minamahal natin ang Diyos nang may dalisay na pag-ibig, matutuklasan nating tayo ay…

Pagninilay 117: Ang Klawsura ng Iyong Puso

May mga madre at mongheng namumuhay sa loob ng klawsura. Walang sinumang maaaring pumasok sa klawsurang iyon nang walang sapat na dahilan, maliban kung kabilang siya sa pamayanang iyon ng pananampalataya. Ang iba ay maaari lamang pumasok nang may pahintulot ng superyor. Maaaring…

Pagninilay 116: Ang Pag-asa ng Diyos sa Atin

Ang Diyos ay ganap na hindi umaasa sa iba sapagkat lubos Niyang pinananatili ang Kanyang sariling pag-iral. Ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay bumubuo ng isang ganap na pagkakaisa kung saan Sila ay magkakaugnay at umaasa sa isa’t isa. At ang pag-asang ito sa isa’t isa ang tanging kailangan Nila. Gayunman, malayang pinili ng Santatlo na umasa…

Pagninilay 115: Ang Kalooban ng Diyos ang Mag-iingat sa Iyo

Ang Kalooban ng Diyos ay higit pa sa isang plano para sa kinabukasan na inilaan Niya para sa iyo. Higit pa ito sa Kanyang mga inaasam at pangarap para sa iyo. Ang Kanyang Kalooban ang iyong landas tungo sa kabanalan at bukal ng pinakadakilang kaaliwan at kagalakan. Ang Kanyang Kalooban ay kapwa aktibo at pasibo (nagpapahintulot). Ito ay…

Pagninilay 112: Ang Pag-ibig sa Diyos ay Nagpapaigting ng Ating Pananabik sa Diyos

Kapag minamahal mo ang Diyos at nagagalak ka sa pag-ibig na iyon, lalong titindi ang iyong pananabik sa Diyos.  Habang higit mo Siyang nakikilala, lalo mo Siyang nanaising makilala, at habang lalo mo Siyang ninanais makilala, higit mo Siyang makikilala.  Gayundin, habang lalo mo Siyang minamahal, lalo mo Siyang nanaising mahalin…