Tagalog

Pagninilay 260: Ang Kadakilaan ng Maliliit na Gawa ng Pag-ibig

Nais mo bang gumawa ng mga kamangha-manghang bagay sa mundong ito? May mga pagkakataon bang mayroon kang mariringal na ideya at pangarap? Kung minsan, mas makamundo ang ating mga pangarap, gaya ng kayamanan at katanyagan, at kung minsan naman ay nangangarap tayong gumawa ng mga pambihirang bagay para sa Diyos at sa Simbahan. Ngunit hindi kailangang manatiling pangarap lamang ang mga ito…

Pagninilay 259: Ang Kagandahan ng Mapagpakumbabang Kaluluwa

Ano ang nagpapaganda sa isang tao? Higit sa lahat, ito ay ang birtud ng kababaang-loob. Lubhang kaakit-akit ang kababaang-loob. Bagaman maaaring hindi gaanong humanga ang ilan sa mapagpakumbabang kaluluwa sa simula, sa paglipas ng panahon, maaakit ng kababaang-loob maging ang pinakamayabang at pinakamakasariling tao. Ito ay…

Pagninilay 253: Ang Tugon ng Lubos na Pasasalamat

Ano ang dapat nating maging tugon sa Diyos? Madalas tayong maging labis na nakatuon sa ating sarili sa ating ugnayan sa Diyos. Nakatuon tayo sa ating mga suliranin at pangangailangan. Dapat nating ipaubaya ang mga ito sa Diyos at bitiwan. Kapag ginawa natin ito, matutuklasan nating nagsisimula na nating makita ang kaluwalhatian at kabutihan…

Pagninilay 250: Pananalanging Nakapatirapa sa Lupa

Kapag nananalangin ka, paano ka lumalapit sa ating Panginoon?  Tunay na mabuting ialay sa Kanya ang iyong buong araw nang may mapagmahal na debosyon at makipag-usap sa Kanya sa buong maghapon na parang sa iyong pinakamatalik na kaibigan.  Ngunit may mga pagkakataon ding kailangang maging marubdob ang ating panalangin at dapat itong ipahayag nang…

Pagninilay 247: Ang Pagpapalang Hatid ng mga Nangangailangan

Kung may isang miyembro ng inyong pamilya na malubha ang sakit, nasa bilangguan, o may iba pang mabigat na pangangailangan, magiging pasanin ba siya para sa iyo o isang pagpapala?  Pag-isipan mo ito.  Mas pinahihirap ba ng mga taong may natatanging pangangailangan ang iyong buhay?  Kung sasagutin ang tanong na ito sa praktikal na pananaw lamang, ang…

Pagninilay 246: Sa Pagtanggap ng Banal na Komunyon

Ano ang ginagawa mo matapos tumanggap ng Banal na Komunyon? Bumabalik ka ba sa iyong upuan nang wala sa loob, kung saan-saan napapadpad ang isip, napapansin ang mga nasa paligid mo, at hindi tunay na nakakatagpo ang ating Panginoon sa diwang espirituwal? O hinahayaan mong maging sandali iyon ng tunay na panalangin at pakikipag-isa…

Pagninilay 243: Ang Natatanging Kaloob ni Jesus sa mga Minamahal Niya

Paano mo pakikitunguhan ang isang taong mahal mo? Karaniwan, para sa ating pamilya o malalapit na kaibigan, hinahangad natin ang pinakamabuti para sa kanila at ang magpapaligaya sa kanila. Ganoon din ang hangad ng Diyos para sa bawat isa sa atin, ngunit maaaring magulat tayo sa itinuturing ng Diyos na…

Pagninilay 240: Tamis o Pait sa Buhay?

Alin ang mas nais mo para sa iyong buhay? Ang araw-araw na makaranas ng tamis o ng pait sa iyong mga pandama? Sa madaling salita, nais mo bang masiyahan sa maraming aspeto ng iyong pang-araw-araw na buhay, o nais mong ang pagtupad sa iyong tungkulin araw-araw ay mag-iwan ng kaunting pait sa iyong…

Pagninilay 239: Ang Tatak ng Awa

Bawat dakilang santo ay nagpapamalas ng isang aspeto ng kabutihan ng Diyos. Ang ilan ay namumuhay nang may pambihirang kalayaan sa pagkagapos sa makamundong kayamanan, ang ilan ay naglilingkod sa mga dukha nang may di-natitinag na katapatan, ang ilan ay namumuhay sa malalim na pananalangin, ang ilan ay tumatanggap ng mga mistikong pahayag, ang ilan ay sumusulat ng mga tomo ng…