Tagalog

Pagninilay 236: Pananalangin para sa Awa para sa Lahat

Natatangi ang bawat tao at nais ng Diyos na ibuhos nang sagana ang Kanyang Awa sa bawat isa sa atin ayon sa ating mga partikular na pangangailangan. Kapag ipinagdarasal natin ang mga tao, mabuting ihandog sila sa Diyos nang isa-isa at ayon din sa mga pangkat…

Pagninilay 233: Ang Tugon ng Katahimikan

May mga pagkakataong makatutulong ang pagsasalita sa Diyos nang bukas ang loob at nang masinsinan tungkol sa mga nararanasan natin sa buhay. Maaari mong madamang kailangan mong magsalita nang magsalita. At makikinig ang Diyos…

Pagninilay 232: Pagpapakalma sa Bagyo

Alalahanin ang kuwento ng pagpapakalma ni Hesus sa bagyo (Mateo 8:23-27). Ang himalang ito ay ginawa bilang isang tandang propetiko na magdadala Siya sa iyo ng kapayapaan sa mga partikular na hamong kinakaharap mo sa buhay…

Pagninilay 229: Araw-araw na Pagkamartir

Sinabi ng isang Ama ng Simbahan noong unang panahon (si Tertullian) na “ang dugo ng mga martir ay binhi ng Simbahan.” Nangangahulugan ito na ang pagbubuhos ng sariling dugo alang-alang sa pananampalataya ay hindi isang trahedya sa huli…

Pagninilay 225: Espirituwal na Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng Panalangin

Isang makapangyarihang daluyan ng Awa ng Diyos ang pakikipagkaibigan sa kapwa. Ngunit maaaring isabuhay ang pagkakaibigan sa iba’t ibang antas. Kung minsan, ang ugnayang ito ay nakabatay sa mga bagay na mababaw at hindi mahalaga, at sa ibang pagkakataon naman ay malalim na nakaugat sa ating Panginoon…

Pagninilay 223: Isang Kakila-kilabot na Araw

Walang anuman sa buhay ang kailangang maging kakila-kilabot. Kahit ang pinakamatinding pakikibaka at pagdurusang dinaranas natin ay madaling mabago ng Diyos upang maging bukal ng Kanyang Awa at ng ating pagpapabanal…

Pagninilay 220: Ang Kaluluwang Labis na Nagdurusa

May mga taong nakararanas ng matinding pagdurusa sa kaibuturan ng kanilang kaluluwa.  Kung minsan, dulot ito ng kasalanan; kung minsan naman, dulot ito ng isang natatanging Awa ng Diyos na nagpapahintulot sa kaluluwa na maranasan ang mga pagdurusang pinagdaanan ni Hesus.  Anuman ang dahilan, kung nakararanas ka…

Pagninilay 219: Mga Hirap sa Pagpapahayag ng Awa

Kung itatalaga mo ang iyong sarili sa lubos na pagyakap sa Awa ng Diyos sa iyong buhay, mababago ka nang higit pa sa pinakamatayog mong mga pangarap. Ngunit may isa ka pang mararanasan. Makatatagpo ka ng matitinding hirap sa iyong pagsisikap na isabuhay at ipahayag ang Awa sa isang daigdig na nahulog sa kasalanan. Hindi nauunawaan ng daigdig ang Awa ng Diyos. Kalupitan at paghatol lamang ang alam ng daigdig. Naghahangad ito ng paghihiganti at pinararangalan…

Pagninilay 217: Ang Kaluluwang Tamad at Walang Ginagawa

Natutuwa ang masama kapag hinahayaan nating maging tamad at walang ginagawa ang ating mga kaluluwa sa mga bagay na ukol sa Diyos. Ang kaluluwang walang ginagawa ay hindi naghahangad na makibahagi sa buhay ng Diyos. Ang kaluluwang walang ginagawa ay hindi kumikilos sa mga bagay na espirituwal sa halip na maging masigasig. Ang pagiging “hindi kumikilos” ay nangangahulugang ang tao…