Tagalog

Pagninilay 207: Pagtamo ng Kaaliwan sa Puso ni Kristo

Madalas makadama ng malaking kaaliwan ang mga bata kapag yumayakap sila nang mahigpit sa isang mapagmahal at magiliw na magulang.  Lubos silang nasisiyahan kapag mahigpit silang niyayakap ng mga bisig na ito ng pagmamahal.  Sa mga sandaling ito, napapawi ang takot at pag-aalala, at nanunumbalik ang kapayapaan at kaaliwan matapos ang pagkabagabag.  Ganito rin dapat…

Pagninilay 197: Nauuhaw Ako

“Nauuhaw Ako.” Napakalalim ng kahulugan ng dalawang payak na salitang ito. Sinambit ang mga ito ng ating Panginoon mula sa Krus. Sinikap ng isang kawal na maibsan ang Kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pag-aalok sa Kanya ng isang esponghang binasa sa maasim na alak upang mapawi ang Kanyang uhaw. Ang alak na naging suka ay sagisag ng kaluluwang naging…

Pagninilay 194: Kasiyahan sa Buhay

Ano ang nagbibigay sa iyo ng kasiyahan sa buhay?  Maaaring magkakaiba ang sagot ng bawat tao sa tanong na ito.  Maaaring makatagpo ng kasiyahan ang isa sa trabaho, ang iba sa mga gawaing pampamilya, ang iba sa paglilingkod sa pamayanan, at ang iba naman sa kayamanan at mga gantimpalang makamundo.  Marami at sari-sari…

Pagninilay 132: Ang Diyos na Hindi Maarok

Likas sa ating lahat ang pagkamausisa. Madali tayong mausisa tungkol sa halos lahat ng bagay, sa pagnanais na malaman ang mga ito. Ang mga magasin, balita, palabas, araw-araw na tsismisan, at iba pa ay pawang naglalayong bigyang-kasiyahan ang ating pagkamausisa. Ang pagkamausisang ito ay dapat maging pagnanais na makilala ang Diyos at…

Pagninilay 120: Dalisay na Pag-ibig sa Diyos

Ang pinakalayunin ng iyong buhay ay ang magmahal. At higit na tiyak, ang unahin ang pagmamahal sa Diyos nang may dalisay na pag-ibig. Upang maging dalisay ang pag-ibig, dapat itong maging malaya sa anumang pagkamakasarili. Tanging ang minamahal lamang ang pinagtutuunan ng dalisay na pag-ibig. Kapag minamahal natin ang Diyos nang may dalisay na pag-ibig, matutuklasan nating tayo ay…

Pagninilay 34: Kasiyahan sa Diyos Lamang

Napakadalas sa buhay na mahulog tayo sa bitag ng paniniwalang nagbibigay sa atin ng kasiyahan ang mga makamundo at lumilipas na bagay.  Maaari pa nga tayong malinlang at isiping nagbibigay sa atin ng kasiyahan ang ating mga kasalanan.  At sa isang kakatwang paraan, nag-aalok nga ang mga ito ng isang uri ng pansamantalang kasiyahan. Ngunit ang “kasiyahang” ito ay…

Pagninilay 14: Tunay na Kasiyahan sa Pamamagitan Lamang ng Awa

Madalas nating hanapin sa buhay ang kasiyahan sa mga lumilipas na bagay ng mundo. Kayamanan man, kaluguran ng laman, katanyagan, o anupaman, kailangan nating matuklasan na iisa lamang ang tunay na nagbibigay ng kasiyahan. Ang Banal na Awa ng Diyos ang ating hinahanap. Ang lahat ng iba pa ay ilusyon lamang…