Tagalog

Pagninilay 308: Pagmamahal ng Isang Ina

Totoong walang larawan sa lupa ang lubos na makapaghahayag ng ganap na pag-ibig ng Diyos. Ang Diyos ay lampas sa lahat ng nilikha at ang Kanyang pag-ibig ay higit sa kayang saklawin ng mundong ito. Gayunman, maraming bagay sa mundong ito ang naghahayag ng mga aspeto ng pag-ibig ng Diyos. Isa sa mga larawang ito ang pagmamahal ng isang ina. Bagaman…

Pagninilay 297: Mga Aral mula sa Kalikasan

Ang buong sangnilikha ay may kakayahang magpamalas ng kaluwalhatian at pagkilos ng Diyos. Ang Diyos ang karunungang nasa likod ng Sansinukob, na nagsasaayos ng lahat ng batas nito at gumagabay sa lahat ng bagay nang ganap. Kailangan lamang nating maglaan ng panahon upang pagnilayan ang mga batas ng kalikasan upang maunawaan ang mga batas ng biyaya na sinasalamin ng mga ito. Halimbawa…

Pagninilay 258: Ang Pagiging Malapit ng Diyos

Nasaan ang Diyos?  Madaling isipin na ang Diyos ay nasa Langit o nasa isang malayong lugar, nakatunghay sa atin at gumagabay sa buong sangnilikha ayon sa Kanyang banal na Kalooban.  Totoo ito, ngunit hindi ito ang kabuuang larawan.  Ang Diyos ay ganap na “transendente” sapagkat Siya ay lubhang higit sa atin at higit sa nilikhang daigdig.  Ngunit Siya…

Pagninilay 190: Lahat ng Nilalang ay Lumuluwalhati sa Diyos

Ang lahat ng bagay ay nilikha para sa iisang sukdulang layunin: ang magbigay ng papuri at kaluwalhatian sa Kabanal-banalang Santatlo. Tayo ay nilikha para sa layuning ito lamang—walang higit, walang kulang, at walang iba. Bilang mga tao, tinatawag tayong magbigay ng natatanging papuri at kaluwalhatian sa Diyos sa ating pagsamba sa pamamagitan ng pamumuhay…

Pagninilay 187: Isang Bahaghari Pagkatapos ng Bagyo

Kamangha-mangha kung paanong ang Sangnilikha mismo ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos at nagtuturo sa atin tungkol sa pananampalataya.  Tingnan ang bahaghari.  Ito ay maliwanag at maganda, makulay at kahanga-hanga.  Nagagalak ang lahat kapag nakakakita ng bahaghari.  Ngunit walang bahaghari kung walang ulan o bagyo.  Ganyan ang buhay.  Tayo…

Pagninilay 176:  Paglaban sa Kasalanan ng Sanlibutan

Kapag tinitingnan ng Diyos ang sanlibutan, ano ang Kanyang nakikita?  Tiyak na nakikita Niya ang kagandahan ng Kanyang nilikha, ang ganap na kaayusan ng Kanyang disenyo, at ang presensya ng Kanyang mga anak.  Ngunit nakikita rin Niya ang kakilabutan ng napakaraming kasalanan.  Maging ang pinakamaliit na kasalanan…

Pagninilay 55: Sinasalamin ng Sangnilikha ang Awa ng Diyos

Isipin ang pinakamagandang paglubog ng araw, na nagniningning sa ibabaw ng malawak na karagatan sa dapithapon habang ang langit ay maningning sa mga kulay. O isipin ang mariringal na taluktok ng bundok na tumatagos sa maliwanag na bughaw na langit, o ang isang malakas na talon na bumubuhos mula sa kaitaasan. Ang lahat ng kaloob na ito…

Pagninilay 3: Ang Paglikha sa mga Anghel Bilang Isang Gawa ng Awa

Bukod sa paglikha sa materyal na daigdig, nilikha ng Diyos mula sa wala ang espirituwal na daigdig. Ang mga anghel, gayundin ang bawat kaluluwa ng tao, ay mga kaloob ng dalisay na pag-ibig ng Diyos. Sa paglikha sa espirituwal na daigdig, lumikha ang Diyos ng mga nilalang na may kakayahang umunawa at magmahal. Ang…

Pagninilay 2: Ang Paglikha Bilang Isang Gawa ng Awa

Bilang paghahanda sa mas malalim na pag-unawa sa Banal na Awa, magsisimula tayo sa unang kaloob ng Diyos: Ang Paglikha sa Daigdig. Ang Diyos, sa Kanyang kabutihan, ay lumikha sa daigdig mula sa wala. Ang paglikhang ito ng lahat ng bagay mula sa wala ay nagpapahayag, sa isang banda, na ang paglikha ay…

Pagninilay 353: Isang Himno ng Kaluwalhatian

Ang musika ay pagtuklas at pagpapahayag ng mga likas na batas ng nilikha ng Diyos, na nakabatay sa kaayusan at ritmong matatagpuan sa likas na disenyo nito. May musikang gumagamit ng likas na kaayusan ng mga bagay upang luwalhatiin ang mga makalupang realidad. May mga anyo pa nga ng musika na nagpapahayag ng kasalanan at kaguluhan. Ngunit…