Pagninilay 298: Ang Virus ng Walang Saysay na Pagbubulung-bulungan
Isang di-kanais-nais na hilig ng ating kalikasang-taong nasugatan ng kasalanan ang “pagbubulung-bulungan” tungkol sa kapwa. Para itong virus: kapag may isang nagsimula, mabilis itong kumakalat sa iba. Hindi mo namamalayan, marami na ang maaaring nagpapakalat ng mga sabi-sabi at tsismis na walang batayan sa katotohanan, o ng mga katotohanang sinasabi nang walang pag-ibig sa kapwa. Ito…