Tagalog

Pagninilay 330: Pananalangin para sa Iba

Huwag maliitin ang kapangyarihan ng iyong mga panalangin. Habang lumalaki ang iyong pagtitiwala sa Awa ng Diyos, lalo namang nagiging makapangyarihan ang iyong mga panalangin para sa mga nangangailangan nito. Alam ng Panginoon ang lahat ng bagay at alam Niya kung ano ang kailangan ng bawat isa. Ngunit nais Niyang ipagkaloob ang Kanyang biyaya…

Pagninilay 328: Langit

Inaanyayahan tayo ng Langit sa isang buhay ng kaluwalhatian at kaganapang higit pa sa kaya nating maunawaan.  Maging sa Langit ay hindi natin lubos na mauunawaan ang maluwalhating misteryo ng Diyos at ng Kanyang Awa.  Mula sa Langit, ang mga banal, na nagniningning sa kaluwalhatian at biyaya, ay buong pagmamahal na nakatunghay sa atin…

Pagninilay 325: Pagsandig sa mga Santo

Isipin ang kaluluwang namuhay nang may ganap na pagpapaubaya ng sarili sa Diyos. Naabot niya ang rurok ng kabanalan at hindi nagpatinag sa mga makamundong pang-abala. Sa buong buhay niya, hinangad niyang paglingkuran ang ating Panginoon at patuloy na maging kasangkapan ng Awa para sa kapwa. Marami…

Pagninilay 321: Ang Serapikong Kaluluwa

Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan, at sa kabanalang iyon ay makakamit ang ganap na kaligayahan. Ngunit laging pumipili ang Diyos ng ilan para sa isang natatanging misyon ng kabanalan, isang mas mataas na antas ng kabanalan. Ang mga kaluluwang ito ay maaaring tawaging “Mga Serapikong Kaluluwa.” Ang karaniwang halimbawa ay ang paghahambing ng dalawang baso ng tubig. Ang isa ay malaki…

Pagninilay 316: Ang Nag-aalab na Apoy ng Pag-ibig

Maraming larawang ginagamit natin upang ilarawan ang Pag-ibig ng Diyos. Isa sa mga ito ang “Nag-aalab na Apoy ng Pag-ibig.” Makikita ito sa klasikong akdang espirituwal na “Buháy na Alab ng Pag-ibig,” na isinulat ni San Juan de la Cruz…

Pagninilay 314: Awa bilang Matibay na Pananggalang

Kapag kinukubkob ang isang hukbo, naghahanap ito ng lugar kung saan maipagtatanggol nito ang sarili. Agad itong naghahanap ng mas mataas na lugar o ng lugar na masisilungan at magbibigay ng proteksiyon. Ganito rin ang dapat mong gawin sa iyong buhay espirituwal. Kapag nararanasan mo ang mga palaso ng Masama, o kapag nagiging mabigat ang buhay…

Pagninilay 313: Mga Gabing Walang Tulog

May mga taong madaling makatulog gabi-gabi at tuluy-tuloy ang tulog hanggang umaga. Mayroon namang hirap na hirap makatulog, at nagiging mabigat na pasanin at sanhi ng panghihina ng loob ang kalagayang ito. Kung isa ka sa mga nahihirapang makatulog nang madalas, o kahit paminsan-minsan lamang, tingnan…

Pagninilay 306: Walang Humpay ang Diyos

Nagdududa ka ba sa Pag-ibig ng Diyos? Ang katotohanan ay walang humpay ang Diyos sa paghahanap sa iyo. Bagaman nakasalalay sa atin ang malaking bahagi ng ating kabanalan, ang pinakamalaking bahagi nito ay nakasalalay sa Diyos. Habang narito ka sa lupa, hindi tumitigil ang Diyos sa paghahanap sa iyo at sa paghahangad ng iyong pagbabalik-loob. Ipinadadala Niya ang Kanyang Awa sa…

Pagninilay 302: Isang Dakila, Makapangyarihan at Matalas na Intelekto

Ang ating kaisipan ay kaloob ng Diyos at isa sa dalawang pangunahing paraan kung paano tayo nilikha ayon sa Kanyang larawan at wangis. Ang isa pang paraan ay sa pamamagitan ng kaloob na malayang kalooban. Ngunit ang intelekto ay isang kahanga-hangang kaloob na dapat ilaan sa gawain ng Diyos. Mabuting manalangin na ang ating Panginoon…

Pagninilay 301: Ang Pakikipag-isa ng mga Banal

Isa sa dapat mag-udyok sa atin na masigasig na ipalaganap ang Awa ng Diyos ay ang katotohanan ng Pakikipag-isa ng mga Banal. Ang pag-unawa sa walang-hanggang pakikipag-isang ito ay tutulong sa atin na mapagtanto na ang ginagawa natin ngayon ay ikagagalak natin magpakailanman sa Langit. Halimbawa, kung…