Tagalog

Pagninilay 91: Ang Panalangin para sa Kapwa ay Nagbubukas ng Pinto

Ang Diyos lamang ang nakaaalam ng tunay na pangangailangan ng kapwa.  Hindi natin mababasa ang kaluluwa ng iba maliban kung ipagkaloob sa atin ng Diyos ang natatanging biyayang ito.  Ngunit bawat isa sa atin ay tinatawag na manalangin nang taimtim para sa kapwa.  Kung minsan, kung bukás tayo, ilalagay ng Diyos sa ating puso ang pangangailangang manalangin nang taimtim…

Pagninilay 90: Pakikiisa sa Lahat

Nilikha tayo upang magkaisa sa isa’t isa.  Kapag walang pagkakaisa, nadarama ang mga epekto nito sa mga pamilya, pamayanan, at mga bansa.  Ano ang nagbubuklod sa atin nang higit sa anupaman?  Una sa lahat, kaisa natin ang ibang mga kaluluwa sa pamamagitan ng ating…

Pagninilay 89: Ang Kapangyarihan ng Mapagbigay na Pag-ibig

Napakaraming kaluluwa ang nangangailangan ng ating mga panalangin at ng Awa ng Diyos.  Sila ang mga kaluluwang nananatiling nakagapos sa kanilang kasalanan.  Maaaring ipinagdarasal natin sila ngunit tila kakaunti lamang ang naidudulot nito.  Ano pa ang maaari nating gawin?  Kung minsan, ang pinakadakilang pamamagitan…

Pagninilay 88: Pagbabagong-anyo ng Panloob na Pagdurusa

Maraming tao ang may napakabibigat na pasanin sa kanilang kaluluwa.  Sa panlabas, maaari silang magningning sa galak at kapayapaan.  Ngunit sa loob ng kanilang kaluluwa, maaari rin silang makadama ng matinding kirot.  Ang dalawang karanasang ito sa ating kalooban at panlabas na buhay ay hindi magkasalungat kapag sinusunod natin si Kristo.  Kadalasan…

Pagninilay 84: Ang Banal na Ostiya

Hindi kailanman magiging sapat ang lalim ng ating pagmamahal at pagsamba kay Kristo na naroroon sa Kabanal-banalang Eukaristiya.  Kapag tayo ay nasa harap Niya, na naroroon sa Kabanal-banalang Eukaristiya, dapat nating makita ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat na naroroon sa anyong natatalukbungan.  Siya ay: Awa, Buhay na Walang Hanggan, Ang Walang Hanggang…

Pagninilay 80: Sa Oras ng Ating Kamatayan

Kung dinasal mo na ang “Aba Ginoong Maria,” naipanalangin mo na ang iyong huling oras sa mundong ito: “Ipanalangin mo kami ngayon at kung kami’y mamamatay.”  Nakakatakot ang kamatayan para sa maraming tao, at karaniwan ay ayaw nating isipin ang oras ng ating kamatayan.  Ngunit…

Pagninilay 75: Pagtagpo kay Kristo sa Kapwa

Tunay na banal ang Kabanal-banalang Sakramento.  Ito ay pinipitaganan at pinakikitunguhan nang may lubos na paggalang.  Hindi natin kailanman itatapon ang ating Panginoon o basta iiwan Siya sa sahig o sa isang lugar na walang pagpipitagan.  Gayunman, madalas ay hindi natin naipakikita sa kapwa ang paggalang na ipinakikita natin kay Hesus…

Pagninilay 74: Isang Pusong Mahabagin

May pagkakaiba ba ang “simpatiya” at “habag?” Kung mayroon, ano ang pagkakaiba? At alin ang higit na kanais-nais? Ang simpatiya ay nangangahulugan lamang na nalulungkot tayo para sa iba. Sa isang diwa, nangangahulugan ito na naaawa tayo sa kanila. Ngunit higit pa rito ang habag. Nangangahulugan ito na tayo ay…

Pagninilay 73: Paglalim ng Ating Pagnanais kay Jesus

Habang lalo nating nakikilala si Jesus, lalo natin Siyang ninanais. At habang lalo natin Siyang ninanais, lalo natin Siyang nakikilala. Ito ay isang magandang karanasan ng patuloy na pagkilala at pagnanais, pagnanais at pagkilala (Tingnan ang Talaarawan #273)…

Pagninilay 60: Pagharap sa Espirituwal na Tagtuyot

Nararamdaman mo ba kung minsan na tila dumaranas ng espirituwal na tagtuyot ang iyong kaluluwa?  Nais mo bang makaranas ng higit na espirituwal na kaaliwan sa iyong pang-araw-araw na buhay?  Karaniwan ang ganitong pakikibaka, at hindi natin ito dapat ikabahala.  Ang pangunahing layunin ng ating espirituwal na buhay ay ang gawin ang Kalooban ng Diyos.  Kadalasan…