Tagalog

Pagninilay 203: Ang Lalim at Lawak ng Awa

Isipin mong inatasan kang bilangin ang bawat butil ng buhangin sa buong mundo. Malinaw na imposibleng gawin iyon. Sa katunayan, kahit magtulung-tulong ang lahat ng tao sa mundo, hindi pa rin nila iyon magagawa. May mga bagay talagang lampas sa ating kakayahan. Ang isa pang gawaing higit pang…

Pagninilay 199: Ang Pakikiisa kay Hesus ay Pakikiisa sa Kapwa

Maluwalhati ang Simbahan sa maraming kadahilanan.  Isang maluwalhating aspeto ng Simbahan ang pagkakaisang matatagpuan dito.  Totoong kung minsan ay may matinding pagkakawatak-watak, mga hinanakit, at lahat ng uri ng kaguluhan sa loob nito.  Ngunit hindi ito mga katangian ng Simbahan.  Ang mga ito ay bunga ng mga kasalanan…

Pagninilay 188: Mga Hinihingi ng Panginoon

Kung may ipinagagawa sa iyo ang Panginoon, may pagpipilian ka ba?  Mayroon, sapagkat maaari kang magsabi ng “Hindi.”  At ito ay kasalanan.  Ngunit kung pinili mong sundin si Kristo at ang iyong mithiin ay ang Langit, nararapat lamang sabihin na may tungkulin tayong gawin ang anumang hinihingi sa atin ng Panginoon.  Ang Kanyang…

Pagninilay 183: Pagbibigay-pansin sa Halaga ng Pagdurusa

Kapag nagdurusa tayo, naghahanap tayo ng paraan upang makawala rito.  Naghahangad tayo ng ginhawa.  Ngunit mula sa Langit, magagawa nating balikan at makita ang napakalaking kapangyarihan ng pagdurusang malayang pinili at niyakap.  Hindi sa mabuti ang pagdurusa sa sarili nito; sa halip, ang pagdurusa ay tinubos at pinagkalooban…

Pagninilay 174: Perpekto ang Takdang Panahon ng Diyos

Kapag ninanais nating tuparin ang Kalooban ng Diyos sa mundong ito at gumawa ng mga kahanga-hangang bagay para sa Kanya, kung minsan ay hinahangad nating gawin ang mga ito sa sarili nating paraan at sa panahong gusto natin. Ngunit upang tunay na matupad ang Kalooban ng Diyos, dapat kang manalangin nang taimtim, isuko ang iyong sarili sa Kanyang banal na Kalooban, at pagkatapos ay isuko maging…

Pagninilay 171: Paghahambing ng Daigdig sa Langit

Subukan mong isipin kung ano ang magiging pananaw mo sa panahong ito ng iyong buhay sa daigdig kapag nasa Langit ka na. Hahanapin mo ba ang buhay na ito? Nanaisin mo bang bumalik? Hihilingin mo bang sana ay kumita ka ng mas maraming salapi o nagkaroon ng higit na makamundong tagumpay habang narito ka? Malamang ay hindi. Kung ihahambing sa Langit, kaawa-awa ang mundong ito. Hindi iyon…

Pagninilay 166: Ang Kapangyarihan ng Iyong Pakikiisa kay Kristo

Isipin mong ikaw ay Makapangyarihan sa lahat, o isang matalik na kaibigan ng Isang Makapangyarihan sa lahat. May isang kuwento tungkol kay Papa San Leon I, na nabuhay noong ikalimang siglo, na nagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos. Sinasabing hinangad ni Attila na Hun at ng kanyang marahas na hukbo na samsamin ang Roma. Si Papa San Leon…

Pagninilay 148: Awa para sa mga Nasa Purgatoryo

Kapag pumanaw ang isang mahal sa buhay, madaling ipagpalagay kaagad na nasa Langit na siya at hindi na nangangailangan ng ating mga panalangin. Ngunit isa sa mga pinakadakilang handog na maiaalay natin sa mga nauna na sa atin ay ang ating mga panalangin. Totoong ang bawat taong namamatay na nasa kalagayan ng biyaya…

Pagninilay 141: Ang Awa ng mga Anghel

Sa Langit lamang natin mauunawaan ang kaloob na mga hukbo ng mga anghel.  Ang mariringal na espirituwal na nilalang na ito ay nilikha ng Diyos dahil sa pag-ibig.  Ang ilan ay nilikha para lamang sa walang hanggang pagsamba at pagdakila sa Kabanal-banalang Trinidad.  Hindi sila kailanman napapagod sa tawag na ito at sumasamba sa Diyos nang may lalong…

Pagninilay 128: Ang Katamisan ng Pakikipagtagpo kay Jesus

Naranasan mo na ba ang katamisan ni Jesus? Siya, kasama ng Ama at ng Espiritu Santo, ay lumalapit sa iyo sa lihim na kaibuturan ng iyong kaluluwa. Doon, sa tagong pook na ito, nais Nilang makipag-ugnayan sa iyo. Ang Kanilang pakikipag-ugnayan ay higit pa sa mga salita at konsepto. Ito ay…