Tagalog

Pagninilay 319: Pagharap sa Kalungkutan ng Pag-iisa

Ang kalungkutan ng pag-iisa ay isang matinding pagdurusa na tinitiis ng marami.  Isa sa mga dahilan kung bakit ito napakasakit ay sapagkat ang taong nalulungkot ay nagdurusang mag-isa, at kakaunti lamang, kung mayroon man, ang tumutulong upang maibsan ang kanyang sakit.  Kung hindi ganito ang kalagayan niya, hindi niya madarama ang kalungkutan ng pag-iisa.  Kapansin-pansin na maging ang mga taong napapaligiran ng iba..

Pagninilay 222: Kapag Labis Kang Nabibigatan

May mga araw na malamang ay labis kang nabibigatan dahil sa isang bagay o iba pa. Maaaring marami kang pananagutan at nag-aalala ka kung magagampanan mo nang maayos ang iyong mga tungkulin…

Pagninilay 189: Pagdaig sa Takot

Ang takot ay may iba’t ibang sanhi. Ang pagkadama sa isang napipintong panganib ay nagdudulot ng biglaang takot bilang isang paraan ng pagtatanggol sa sarili. Sa katunayan, maaari nitong iligtas ang iyong buhay kung, halimbawa, ang napipintong panganib ay isang kotseng biglang lumihis papunta sa iyong linya. Inuudyukan ka ng biglaang takot na…

Pagninilay 169: Kapanatagan sa Presensya ng Hari

Ang pakikipagkita sa isang taong may malaking kapangyarihan ay maaaring magdulot ng pananabik. Halimbawa, ang pakikipagkita sa pangulo ng isang kumpanyang nais mong pagtrabahuhan, ang unang pakikipagkita sa isang tanyag na tao, o ang pakikipagkita sa obispo o sa Santo Papa ay pawang maaaring magdulot ng pananabik. Ngunit…

Pagninilay 156: Ang Panginoon ang Ating Kanlungan

May mga pagkakataon sa buhay na nakadarama ka ng takot. Maaaring may napakahirap kang gawaing haharapin, o maaaring tinatahak mo ang isang landas na hindi mo alam kung saan hahantong. Ang mga ito, at marami pang ibang karanasan sa buhay, ay maaaring maging sanhi ng takot at pagkabalisa. Ang takot sa hindi nalalaman ay maaaring…

Pagninilay 129: Huwag Kang Matakot

“Huwag kang matakot; manampalataya ka lamang” (Marcos 5:36).  Ang apat na salitang ito, “Huwag kang matakot,” ay sinasabi nang di-mabilang na beses sa buong Banal na Kasulatan.  Dapat nating bigyang-pansin ang mga ito.  Maaaring maparalisa tayo ng takot at akayin sa sari-saring kahangalan sa pag-iisip at pagkilos.  Ang taong…

Pagninilay 111: Ang mga Kasinungalingan ng Masama

Tutuksuhin tayo ng diyablo sa maraming paraan. Isang karaniwang paraan ng pag-atake niya sa atin ang pagpapaalala sa atin ng ating mga kasalanan, pati na ang mga naipangumpisal na natin. Gustong-gusto niyang papaniwalain tayo na mali ang ating tinatahak na landas, na hindi tayo kalugud-lugod sa Diyos, na tayo ay mga sinungaling at makasalanan. At…

Pagninilay 44: Ang Titig ng Panginoon ay Pumapawi ng Takot

Alam mo bang tinitingnan ka ng ating Panginoon, gabi at araw, nang may ganap na pag-ibig at pagmamahal? Alam mo bang alam Niya ang bawat detalye ng iyong buhay at sinasamahan ka Niya sa lahat ng iyong pinagdaraanan? Maaaring mahirap itong paniwalaan dahil hindi natin Siya marinig, makita ng ating mga mata, o…

Pagninilay 337: Pagtulong sa mga Nababalisa

Sa ating buhay, halos tiyak na paminsan-minsan ay makakatagpo tayo ng mga taong hindi mapakali, nababagabag o nag-aalala. Maaaring labis silang nakatuon sa kung anu-anong bagay at maaaring hindi na gaanong makatuwiran ang kanilang pag-iisip. Anong laking pagkakataong puspos ng biyaya ito upang magpakita ng Awa. Ang pagkabalisa…