Tagalog

Pagninilay 330: Pananalangin para sa Iba

Huwag maliitin ang kapangyarihan ng iyong mga panalangin. Habang lumalaki ang iyong pagtitiwala sa Awa ng Diyos, lalo namang nagiging makapangyarihan ang iyong mga panalangin para sa mga nangangailangan nito. Alam ng Panginoon ang lahat ng bagay at alam Niya kung ano ang kailangan ng bawat isa. Ngunit nais Niyang ipagkaloob ang Kanyang biyaya…

Pagninilay 325: Pagsandig sa mga Santo

Isipin ang kaluluwang namuhay nang may ganap na pagpapaubaya ng sarili sa Diyos. Naabot niya ang rurok ng kabanalan at hindi nagpatinag sa mga makamundong pang-abala. Sa buong buhay niya, hinangad niyang paglingkuran ang ating Panginoon at patuloy na maging kasangkapan ng Awa para sa kapwa. Marami…

Pagninilay 313: Mga Gabing Walang Tulog

May mga taong madaling makatulog gabi-gabi at tuluy-tuloy ang tulog hanggang umaga. Mayroon namang hirap na hirap makatulog, at nagiging mabigat na pasanin at sanhi ng panghihina ng loob ang kalagayang ito. Kung isa ka sa mga nahihirapang makatulog nang madalas, o kahit paminsan-minsan lamang, tingnan…

Pagninilay 309: Pakikipag-usap sa Kapwa

Sa tuwing nakikipag-usap tayo sa kapwa, lagi itong pagkakataong maibahagi ang pag-ibig ng Diyos. Kahit ang karaniwang kuwentuhan ay may ganitong kakayahan. Halimbawa, ang matamang pakikinig sa mga detalye ng buhay ng kausap ay nagpapahayag ng malasakit at pag-aalala para sa kanya at nagpapakita na nakikita mo ang kanyang dignidad…

Pagninilay 302: Isang Dakila, Makapangyarihan at Matalas na Intelekto

Ang ating kaisipan ay kaloob ng Diyos at isa sa dalawang pangunahing paraan kung paano tayo nilikha ayon sa Kanyang larawan at wangis. Ang isa pang paraan ay sa pamamagitan ng kaloob na malayang kalooban. Ngunit ang intelekto ay isang kahanga-hangang kaloob na dapat ilaan sa gawain ng Diyos. Mabuting manalangin na ang ating Panginoon…

Pagninilay 299: Ang Pagkapagod na Dulot ng Karunungan ng Tao

Ang mga salita ng katotohanan na nagmumula sa Puso ng ating Panginoon ay nagdudulot ng kagalakan sa ating buhay at nagpapanibago sa ating diwa. Kapag naririnig mo ang mga salitang ito ng katotohanan, isinasapuso at isinasabuhay ang mga ito, napalalaya ka mula sa pasanin ng kamalian at maaari kang makaranas ng kagaanan at kaginhawahan ng kalooban. Gayunman…

Pagninilay 292: Ang Halaga ng mga Natatanging Bokasyon

May mga taong tinatawag sa isang natatanging buhay ng panalangin at pag-iisa sa loob ng buhay-relihiyoso.  Sa partikular, may mga tinatawag sa buhay-ermitanyo o sa klawsura.  Ang mga banal na kaluluwang ito ay hiwalay sa mundo at ginugugol ang kanilang mga araw sa tahimik na panalangin at paggawa.  Ngunit…

Pagninilay 290: Tinubos na mga Pagdurusa ng Katawan

Maraming tao ang may napakabuting kalusugan, samantalang ang iba ay wala nito. May ilan na nakararanas ng matinding paghihirap ng katawan dahil sa karamdaman o katandaan. Bagaman marami ang naghahanap ng mga paraan upang maibsan ang paghihirap na ito, dapat sabihin na ang mga sakit na ito ay nagbibigay ng pagkakataong tumanggap ng biyaya. Una…

Pagninilay 285: Panlilinlang Bilang Isang “Anghel ng Liwanag”

Matindi ang pagkapoot sa iyo ng Masama. At habang lalo kang lumalapit sa Diyos at tinutupad ang Kanyang Banal na Kalooban, lalo ka niyang sisikaping salakayin. Huwag mong katakutan ang tahol ng munting asong ito. Isa sa mga pinakakaraniwang paraan ng Masama upang linlangin ka ay ang pagpapanggap bilang isang anghel ng liwanag. Ginagawa niya ito…