Tagalog

Pagninilay 362: Dalawang Puso ng Awa

Ang Puso ni Hesus ay dalisay na Awa. Isa itong bukal ng biyayang umaagos sa buong daigdig. Nakaaaliw ito, ngunit may isa pang pusong dapat ding maging bukal ng Awa, at iyon ay ang iyong puso. Dapat kang lubos na mababad sa Awa ng Panginoon upang ang iyong puso…

Pagninilay 361: Sakripisyo at Panalangin

Bagama’t maaaring mahirap itong maunawaan at paniwalaan, ang panloob na sakripisyong kaisa ng dalisay na panalangin ay nagdudulot ng di-masukat na kabutihan sa pagpapahayag ng Ebanghelyo sa buong mundo. Sa katunayan, kung wala sa mga misyonero ang lakas na nagmumula sa mga banal na kaluluwang nag-aalay araw-araw ng mga panloob…

Pagninilay 360: Labanang Espirituwal

Totoo ang manunukso, si satanas, ngunit hindi siya dapat katakutan.  Huwag mo siyang pansinin.  Huwag mong patulan ang kanyang mga ideya.  Huwag kang makipagtawaran sa kanya.  Sa harap ng mga tukso, dapat kang magkaroon ng tapang, pagtitiwala sa Awa ng Diyos, at pag-asa.  Huwag maging…

Pagninilay 357: Ang mga Udyok ng Biyaya

Kapag may isang taong nababagabag, maaaring umiwas ka sa kanya.  Madaling isipin na ang pakikipag-usap sa kanya ay magiging mabigat na pasanin sa iyong oras at lakas.  Ngunit kung ang Panginoon ang gumagabay sa inyong pag-uusap, makagagawa Siya ng mga kamangha-manghang bagay sa maikling panahon.  Totoo, may mga…

Pagninilay 345: Nalulunod sa Diyos

Naranasan mo na bang magbabad sa Diyos?  Ito ay isang bihirang karanasan na hindi pa nga nararanasan ng karamihan.  Ang pagbababad o pagkalunod sa Diyos ay nangangahulugang napakalalim ng iyong pagkalubog sa panalangin na para bang nawawala ka sa Kanyang presensya.  Kapag nangyari ito, lubusan kang inaangkin ng Panginoon…

Pagninilay 340: Ang Pagdanas ng Pagsubok

Maaaring hindi ito kaagad maging kaaya-aya, ngunit kung minsan ay malaki ang naidudulot na kabutihan sa atin ng pagdanas ng pagsubok. Ipinahihintulot ito ng Panginoon sa iba’t ibang paraan. Ang pagdanas ng pagsubok ay hindi isang tukso; sa halip, ito ay isang paraan ng Panginoon na hayaan tayong magtiis ng pagsubok upang anyayahan tayong magpasakop nang mas lubos sa Kanyang banal na Kalooban. Kapag…

Pagninilay 337: Pagtulong sa mga Nababalisa

Sa ating buhay, halos tiyak na paminsan-minsan ay makakatagpo tayo ng mga taong hindi mapakali, nababagabag o nag-aalala. Maaaring labis silang nakatuon sa kung anu-anong bagay at maaaring hindi na gaanong makatuwiran ang kanilang pag-iisip. Anong laking pagkakataong puspos ng biyaya ito upang magpakita ng Awa. Ang pagkabalisa…

Pagninilay 335: Walang Sawang Nagpapatawad 

Isa sa pinakamahirap gawin sa buhay ang ipanalangin ang mga umuusig sa iyo at pakitunguhan sila nang may lubos na paggalang at habag.  Ngunit ano ang mapapala mo sa pagkapoot sa kanila o sa pagbubuhos ng iyong galit sa kanila?  Ang ganitong “pananakit” sa kanila ay higit na nakapipinsala sa iyong sariling kaluluwa kaysa sa kanila.  Magpatawad…

Pagninilay 333: Kapayakan

Kung minsan, tila masalimuot ang buhay, at maaari ring maging gayon tayo.  Ngunit ang totoo, kailangan nating lampasan ang mga kasalimuotan ng buhay at maunawaan na, sa pananaw at Kalooban ng Diyos, payak ang buhay.  Payak ito sapagkat ang kailangan lamang nating gawin ay magsabi ng “Oo” sa Kanya araw-araw, ipinauubaya ang lahat sa Kanya at nagtitiwala…