Tagalog

Pagninilay 292: Ang Halaga ng mga Natatanging Bokasyon

May mga taong tinatawag sa isang natatanging buhay ng panalangin at pag-iisa sa loob ng buhay-relihiyoso.  Sa partikular, may mga tinatawag sa buhay-ermitanyo o sa klawsura.  Ang mga banal na kaluluwang ito ay hiwalay sa mundo at ginugugol ang kanilang mga araw sa tahimik na panalangin at paggawa.  Ngunit…

Pagninilay 291: Ang Halaga ng Tahimik at Nakatagong Pagdurusa

Kapag may nagpapabigat sa atin, madalas tayong humingi ng kaaliwan sa iba sa pamamagitan ng hayagang pagsasabi ng ating mga pagdurusa. Bagama’t maaaring makatulong ang pagbabahagi ng ating mga pasanin sa iba hanggang sa isang antas, malaki rin ang halaga ng pagyakap sa mga ito nang tahimik at lingid sa iba. Ito…

Pagninilay 290: Tinubos na mga Pagdurusa ng Katawan

Maraming tao ang may napakabuting kalusugan, samantalang ang iba ay wala nito. May ilan na nakararanas ng matinding paghihirap ng katawan dahil sa karamdaman o katandaan. Bagaman marami ang naghahanap ng mga paraan upang maibsan ang paghihirap na ito, dapat sabihin na ang mga sakit na ito ay nagbibigay ng pagkakataong tumanggap ng biyaya. Una…

Pagninilay 249: Ang Bunga ng Pagdurusa

Matapos lamang dumanas ng matinding pagdurusa nagsisimulang maunawaan ng isang tao ang mabubuting bungang maaaring magmula rito. Sa ganang sarili nito, ang pagdurusa ay bunga ng ating kalagayang makatao na nasadlak sa kasalanan. Ngunit dahil pumasok si Hesus sa ating kalagayang makatao, niyakap…

Pagninilay 245: Ipinagpalibang Kahigpitan

Mahalagang malaman na may ganap na karapatan si Hesus na ipatupad ang Kanyang katarungan dito at ngayon. May ganap Siyang karapatang maging mahigpit sa atin dahil sa ating mga kasalanan at igawad sa atin ang walang hanggang paghuhukom. Madalas malimutan ang katotohanang ito dahil sa Kanyang Awa. Ngunit…

Pagninilay 243: Ang Natatanging Kaloob ni Jesus sa mga Minamahal Niya

Paano mo pakikitunguhan ang isang taong mahal mo? Karaniwan, para sa ating pamilya o malalapit na kaibigan, hinahangad natin ang pinakamabuti para sa kanila at ang magpapaligaya sa kanila. Ganoon din ang hangad ng Diyos para sa bawat isa sa atin, ngunit maaaring magulat tayo sa itinuturing ng Diyos na…

Pagninilay 240: Tamis o Pait sa Buhay?

Alin ang mas nais mo para sa iyong buhay? Ang araw-araw na makaranas ng tamis o ng pait sa iyong mga pandama? Sa madaling salita, nais mo bang masiyahan sa maraming aspeto ng iyong pang-araw-araw na buhay, o nais mong ang pagtupad sa iyong tungkulin araw-araw ay mag-iwan ng kaunting pait sa iyong…

Pagninilay 236: Pananalangin para sa Awa para sa Lahat

Natatangi ang bawat tao at nais ng Diyos na ibuhos nang sagana ang Kanyang Awa sa bawat isa sa atin ayon sa ating mga partikular na pangangailangan. Kapag ipinagdarasal natin ang mga tao, mabuting ihandog sila sa Diyos nang isa-isa at ayon din sa mga pangkat…

Pagninilay 229: Araw-araw na Pagkamartir

Sinabi ng isang Ama ng Simbahan noong unang panahon (si Tertullian) na “ang dugo ng mga martir ay binhi ng Simbahan.” Nangangahulugan ito na ang pagbubuhos ng sariling dugo alang-alang sa pananampalataya ay hindi isang trahedya sa huli…

Pagninilay 177:  Banal na Pagsunod

Isa sa mga pinakamatibay na pananggalang laban sa paggawa ng sarili nating kalooban sa halip na sa Diyos ay ang banal na pagsunod.  Pinagpala ang mga nasa buhay-relihiyoso na maisabuhay ito sa literal at panlabas na paraan, na hinahayaang maisaloob ang panlabas na pagsasagawa nito upang matiyak na isinasabuhay nila…