Tagalog

Pagninilay 99: Ang Hagupit ng Kasalanan

Si Kristo na may koronang tinik, ni Dirck van Baburen

Video

Bakit nagdusa nang gayon si Hesus?  Bakit Siya hinagupit nang napakatindi?  Bakit napakasakit ng Kanyang kamatayan?  Sapagkat ang kasalanan ay may mga bunga at pinagmumulan ng matinding sakit.  Ngunit ang kusang-loob at walang-kasalanang pagyakap ni Hesus sa pagdurusa ay nagpabago sa pagdurusa ng tao, kaya ngayon ay may kapangyarihan itong dumalisay sa atin at magpalaya sa atin mula sa kasalanan at sa lahat ng pagkakapit sa kasalanan (Tingnan ang Talaarawan #445).

Nauunawaan mo bang ang matinding sakit at pagdurusang dinanas ni Hesus ay dahil sa sarili mong kasalanan? Mahalagang kilalanin ang katotohanang ito na nagtuturo sa atin ng pagpapakumbaba. Mahalagang makita ang tuwirang kaugnayan ng Kanyang pagdurusa sa iyong kasalanan. Ngunit hindi ito dapat maging dahilan ng pagkabagabag ng konsensiya o kahihiyan, kundi ng pasasalamat. Malalim na pagpapakumbaba at pasasalamat.

Panginoon, nagpapasalamat ako sa Iyo sa lahat ng Iyong tiniis sa Iyong banal na Pagpapakasakit.  Nagpapasalamat ako sa Iyo para sa Iyong pagdurusa at Krus.  Nagpapasalamat ako sa Iyo sa pagtubos Mo sa pagdurusa at sa pagbabagong-anyo rito upang maging bukal ng kaligtasan.  Tulungan Mo akong hayaang baguhin ng mga pagdurusang aking tinitiis ang aking buhay at dalisayin ako mula sa aking kasalanan.  Iniuugnay ko ang aking mga pagdurusa sa Iyo, mahal na Panginoon, at idinadalangin kong gamitin Mo ang mga ito para sa Iyong kaluwalhatian.  Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Higit Pa para sa Pasko ng Pagkabuhay

Ikapitong Araw: Nobena bilang paghahanda sa Linggo ng Banal na Awa

Higit Pang mga Pagninilay sa Banal na Awa

Mga Pagninilay sa Ebanghelyo Araw-araw

Mga Santo/Kapistahan Ngayon