Ang Ekstasis ni Santa Teresa, ni Gerard Seghers
Ngumingiti sa atin ang Diyos at masagana Niya tayong ginagantimpalaan dahil sa pag-ibig na iniaalay natin sa Kanya at sa kapwa. Ang ating mga gawa ng pag-ibig, kapag udyok ng Kanyang biyaya, ay nagiging mga kayamanan sa Langit. Ngunit hindi lamang iyon ang nagiging mga kayamanan. Maging ang ating pagnanais na gumawa ng mabuti at maglingkod sa Diyos ay nababago rin. Nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay, maging ang ating pinakamaliliit na tapat na hangarin, at ginagawa Niyang biyaya ang lahat (Tingnan ang Talaarawan #450).
Ano ang ninanais mo sa buhay? Ano ang iyong pinananabikan? Nakikita mo bang nakaugnay ang iyong mga hangarin sa mga makasalanang gawain? O nakikita mong ang iyong mga hangarin at pananabik ay nakatuon sa mabubuting bagay ng Langit at sa mga gawa ng Diyos? Sikapin mong baguhin maging ang iyong mga hangarin at sagana kang pagpapalain!
Panginoon, iniaalay ko sa Iyo ang aking puso at ang bawat hangarin nito. Tulungan Mo akong manabik sa Iyo at hangaring matupad ang Iyong banal na Kalooban sa mundong ito. Nawa’y hangarin ko ang Iyong hinahangad at mithiin ang masaganang Awa para sa aming mundo. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.
Ikawalong Araw: Nobena bilang paghahanda para sa Linggo ng Banal na Awa
Higit Pa para sa Pasko ng Pagkabuhay
Mga Panalangin para sa Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay
Higit Pang mga Pagninilay sa Banal na Awa
Mga Pagninilay sa Ebanghelyo Araw-araw
Mga Santo/Kapistahan Ngayong Araw





