Tagalog

Pagninilay 201: Ang Gabing Kasama si Hesus sa Bilangguan

Isipin kung ano ang magiging pakiramdam kung sa isang mistikong paraan ay madala ka sa gabi ng Huwebes Santo. At isipin kung makikita at mararanasan mo ang lahat ng pinagdaanan ni Hesus. Isipin ang Kanyang paghihirap sa Halamanan, ang pangungutya at malupit na pagtrato…

Pagninilay 200: Ang Pagkakaisa ng Pag-ibig at Pagdurusa

Magkasalungat ba ang pag-ibig at pagdurusa? Sa madaling salita, kung matindi ang pagdurusang nararamdaman mo, maaari ka rin bang magkaroon ng dakilang pag-ibig? Isang tanong na dapat pagnilayan ay ito: Ano ang pinagmumulan ng iyong pagdurusa? Ang kasalanan mo ba? Ang habag mo ba sa iba? Isa ba itong pisikal o sikolohikal na…

Pagninilay 199: Ang Pakikiisa kay Hesus ay Pakikiisa sa Kapwa

Maluwalhati ang Simbahan sa maraming kadahilanan.  Isang maluwalhating aspeto ng Simbahan ang pagkakaisang matatagpuan dito.  Totoong kung minsan ay may matinding pagkakawatak-watak, mga hinanakit, at lahat ng uri ng kaguluhan sa loob nito.  Ngunit hindi ito mga katangian ng Simbahan.  Ang mga ito ay bunga ng mga kasalanan…

Pagninilay 198: Ang Awa ng Tunay na Pakikiramay

Ang kawalan ng tunay at taos-pusong pakikiramay ay malinaw na tanda ng isang uri ng karamdamang sikolohikal, emosyonal, at maging espirituwal. Binabanggit ito sapagkat totoo rin ang kabaligtaran. Ang pagkakaroon ng tunay at taos-pusong pakikiramay ay tanda na ang isang tao ay malusog sa isip, damdamin…

Pagninilay 197: Nauuhaw Ako

“Nauuhaw Ako.” Napakalalim ng kahulugan ng dalawang payak na salitang ito. Sinambit ang mga ito ng ating Panginoon mula sa Krus. Sinikap ng isang kawal na maibsan ang Kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pag-aalok sa Kanya ng isang esponghang binasa sa maasim na alak upang mapawi ang Kanyang uhaw. Ang alak na naging suka ay sagisag ng kaluluwang naging…

Pagninilay 196: Pagmamahal kay Hesus sa Kapwa

Pamilyar na pamilyar tayo sa talatang ito sa Ebanghelyo, “Anumang ginagawa ninyo sa pinakamaliit sa aking mga kapatid ay ginagawa ninyo sa akin” (Mateo 25:40). Ngunit naniniwala ka ba rito? Kung oo, matutuklasan mong madaling mahalin si Hesus at may pagkakataon kang gawin ito sa buong…

Pagninilay 195: Ang Ating Matamis na Kaluguran

Kung dalubhasa ka sa pagtikim ng alak, at papipiliin ka sa pagitan ng isang bote ng napakahusay na alak at isang murang alak, tiyak na pipiliin mo ang napakahusay. Alam mo ang pagkakaiba at hindi ka gaanong masisiyahan sa murang alak dahil alam mong…

Pagninilay 194: Kasiyahan sa Buhay

Ano ang nagbibigay sa iyo ng kasiyahan sa buhay?  Maaaring magkakaiba ang sagot ng bawat tao sa tanong na ito.  Maaaring makatagpo ng kasiyahan ang isa sa trabaho, ang iba sa mga gawaing pampamilya, ang iba sa paglilingkod sa pamayanan, at ang iba naman sa kayamanan at mga gantimpalang makamundo.  Marami at sari-sari…

Pagninilay 193: Huwag Mag-atubili

Kung nanalo ka ng isang milyong dolyar, malamang na hindi mo sasabihing, “Hindi, bigyan mo na lang ako ng $100, iyon lang ang gusto ko.” Gayunman, ganiyan ang madalas nating gawin sa Awa ng Diyos. Nag-aalok ang Diyos ng saganang kayamanan, ngunit pinipili nating tumanggap lamang ng maliit na bahagi nito. Bakit kaya? Walang hangganan ang Kanyang Awa. Ito ay walang katapusan. Kung…

Pagninilay 192: Pagmamahal sa Diyos sa Ginhawa at Hirap

Madaling “mahalin” ang Diyos kapag maayos ang lahat. Ngunit kapag maayos ang lahat, hindi nasusubok ang ating pag-ibig. Ang pagsubok na dulot ng pagdurusa ng tao ay nagpapalinaw sa ating pag-ibig sa Diyos. Maaari itong maging lubhang mabunga para sa ating buhay-espirituwal. Madaling isipin na ang mga paghihirap sa buhay ay walang iba kundi…