Tagalog

Pagninilay 21: Minamahal Ka. Maniwala Ka.

Ang pagtanggap sa iyo ni Kristo at ang pamumuhay sa loob ng Kanyang mahabaging Puso ay aakay sa iyo upang matuklasan kung gaano ka Niya kamahal. Tunay na higit pa sa kaya mong isipin ang pagmamahal Niya sa iyo. Hayaan mong magsimula kang matuklasan ang pagmamahal na iyon. Lasapin mo ito, paniwalaan, unawain, at lalo pang hanapin…

Pagninilay 20: Ialay ang Iyong Buhay kay Jesus Araw-araw

Kapag tinanggap ka na ni Jesus at inangkin ang iyong kaluluwa, huwag kang mag-alala sa susunod na mangyayari. Huwag mong asahang lubhang magbabago agad ang iyong buhay, ngunit huwag ka ring magtaka kung mangyari ito. Ang mahalaga lamang ay araw-araw mong panibaguhin ang pag-aalay ng iyong sarili sa Kanyang…

Pagninilay 19: Tinatanggap Ka ng Panginoon sa Kanyang Awa

Kung tunay mong hinanap ang ating Panginoong Diyos, tanungin mo Siya kung tatanggapin ka Niya sa Kanyang Puso at sa Kanyang banal na Kalooban. Tanungin mo Siya at makinig sa Kanya. Kung isinuko mo na ang lahat at inialay ang iyong sarili sa Kanya, tutugon Siya at sasabihin sa iyo na tinatanggap ka Niya. Kapag…

Pagninilay 18: Awang Ipinagkakaloob sa Pamamagitan ng mga Pari

Ipinagkakaloob ang awa sa maraming paraan. Sa maraming daluyan ng Awa, hanapin ito sa pamamagitan ng mga banal na pari ng Diyos. Hayaan mong makinig sa iyo ang Kanyang pari, makipag-usap sa iyo at gumabay sa iyo. Ang mga pari ay mahihina at makasalanan. Ngunit sa kanilang kahinaan, pinagkakalooban sila ng natatanging biyaya upang gabayan ang mga kaluluwa. Ang…

Pagninilay 17: Dumulog sa Ating Mahal na Ina sa Panalangin 

Dumulog sa ating Mahal na Ina nang may pagtitiwala sa panalangin.  Inaaruga ka niya nang malapit sa kanyang Kalinis-linisang Puso at aakayin ka niya sa kanyang Anak na si Hesus.  Siya ang ganap na Ina, ang Ina ng Lahat ng Biyaya.  Magtiwala sa Kanyang maka-inang pangangalaga at pamamagitan.  Alam niya kung paano buksan ang bukal ng mga biyaya…

Pagninilay 16: Ganap na Pagsuko sa Diyos

Magpatirapa sa harap ng Diyos. Ipatirapa ang iyong sarili sa Kanyang harapan. Kung kaya mo, gawin ito nang literal. Kung makagagambala ito sa iba, gawin ito sa iyong kalooban. Magpatirapa sa harap ng Diyos at magsumamo sa Kanya na ipakita sa iyo ang Kanyang Banal na Awa at ang Kanyang kabanal-banalang Kalooban.  Maraming pagkakataon…

Pagninilay 15: Walang Sawa ang Diyos sa Kanyang Pagmamahal

Ipinagpapaliban mo ba ang pagtugon sa Diyos? Binabalewala mo ba ang Kanyang walang tigil na pagtawag? Tinatabunan mo ba ang Kanyang tinig ng di-mabilang na mga panggagambala? Alamin mong hindi tumitigil ang Diyos sa pagtawag sa iyo. Makinig ka sa Kanya. Kung minsan, ipinagpapaliban natin ang pagtugon sa Diyos dahil mali nating inakala na masusumpungan natin ang kasiyahan sa buhay sa ibang…

Pagninilay 14: Tunay na Kasiyahan sa Pamamagitan Lamang ng Awa

Madalas nating hanapin sa buhay ang kasiyahan sa mga lumilipas na bagay ng mundo. Kayamanan man, kaluguran ng laman, katanyagan, o anupaman, kailangan nating matuklasan na iisa lamang ang tunay na nagbibigay ng kasiyahan. Ang Banal na Awa ng Diyos ang ating hinahanap. Ang lahat ng iba pa ay ilusyon lamang…

Pagninilay 13: Isang Paanyaya sa Katahimikan

Sa kaibuturan ng ating kaluluwa, dapat nating sikaping marinig ang Diyos na nagsasalita. Nagsasalita Siya sa katahimikan at sa kailaliman. Ang una Niyang sinasabi ay isang paanyaya. Inaanyayahan Niya tayong makilala Siya at maranasan ang Banal na Awa na dumadaloy mula sa Kanyang Puso. Ang paanyaya ay iyon lamang: isang paanyaya. Si Jesus…