Tagalog

Pagninilay 206: Espirituwal na Pag-iimbak

Ang isang tunay na panganib sa buhay espirituwal ay maaaring tawaging “espirituwal na pag-iimbak.”  Ganito ang taong nagsisikap na gawing sarili niya ang hantungan ng Awa ng Diyos sa halip na maging kasangkapan ng Awa ng Diyos.  Sa pagsisikap na maging hantungan ng Awa ng Diyos, ang isang…

Pagninilay 205: Ang Muog ng Kapayapaan

Ang kapayapaan ng Panginoon ay tulad ng isang muog na dapat nating kanlungan laban sa lahat ng panlabas na pagsalakay ng Masama. Sa labas ng muog na ito, lantad tayo sa lahat ng mapaminsalang pagsalakay na ito. Ang mga palaso ng galit, pang-aapi, panlilinlang at inggit ay maaaring magdulot sa atin ng matinding pinsala kung wala ang banal na…

Pagninilay 204: Ang Takupis ng Iyong Kaluluwa

Ang takupis ng isang bulaklak ay ang panlabas na dahong nakapalibot sa mga nabubuong talulot, na nag-iingat sa mga ito habang lumalago. Isa itong uri ng “punlaan” kung saan lumalaki ang maseselang talulot. Habang lumalaki ang mga ito sa tagong lugar na ito, pinananatili silang ligtas ng takupis. At kapag ganap na silang lumaki, bumubuka ang takupis…

Pagninilay 203: Ang Lalim at Lawak ng Awa

Isipin mong inatasan kang bilangin ang bawat butil ng buhangin sa buong mundo. Malinaw na imposibleng gawin iyon. Sa katunayan, kahit magtulung-tulong ang lahat ng tao sa mundo, hindi pa rin nila iyon magagawa. May mga bagay talagang lampas sa ating kakayahan. Ang isa pang gawaing higit pang…

Pagninilay 202: Isang Araw-araw na Anibersaryo

Ang mga anibersaryo ay mga pinagpalang pagkakataon para sa pagninilay at pasasalamat.  May mga anibersaryong masaya, tulad ng anibersaryo ng mag-asawang nagdiriwang ng mahaba at banal na pagsasama.  May mga anibersaryo namang mahirap harapin, tulad ng anibersaryo ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay.  Gayunman…

Pagninilay 200: Ang Pagkakaisa ng Pag-ibig at Pagdurusa

Magkasalungat ba ang pag-ibig at pagdurusa? Sa madaling salita, kung matindi ang pagdurusang nararamdaman mo, maaari ka rin bang magkaroon ng dakilang pag-ibig? Isang tanong na dapat pagnilayan ay ito: Ano ang pinagmumulan ng iyong pagdurusa? Ang kasalanan mo ba? Ang habag mo ba sa iba? Isa ba itong pisikal o sikolohikal na…

Pagninilay 199: Ang Pakikiisa kay Hesus ay Pakikiisa sa Kapwa

Maluwalhati ang Simbahan sa maraming kadahilanan.  Isang maluwalhating aspeto ng Simbahan ang pagkakaisang matatagpuan dito.  Totoong kung minsan ay may matinding pagkakawatak-watak, mga hinanakit, at lahat ng uri ng kaguluhan sa loob nito.  Ngunit hindi ito mga katangian ng Simbahan.  Ang mga ito ay bunga ng mga kasalanan…

Pagninilay 198: Ang Awa ng Tunay na Pakikiramay

Ang kawalan ng tunay at taos-pusong pakikiramay ay malinaw na tanda ng isang uri ng karamdamang sikolohikal, emosyonal, at maging espirituwal. Binabanggit ito sapagkat totoo rin ang kabaligtaran. Ang pagkakaroon ng tunay at taos-pusong pakikiramay ay tanda na ang isang tao ay malusog sa isip, damdamin…

Pagninilay 196: Pagmamahal kay Hesus sa Kapwa

Pamilyar na pamilyar tayo sa talatang ito sa Ebanghelyo, “Anumang ginagawa ninyo sa pinakamaliit sa aking mga kapatid ay ginagawa ninyo sa akin” (Mateo 25:40). Ngunit naniniwala ka ba rito? Kung oo, matutuklasan mong madaling mahalin si Hesus at may pagkakataon kang gawin ito sa buong…

Pagninilay 195: Ang Ating Matamis na Kaluguran

Kung dalubhasa ka sa pagtikim ng alak, at papipiliin ka sa pagitan ng isang bote ng napakahusay na alak at isang murang alak, tiyak na pipiliin mo ang napakahusay. Alam mo ang pagkakaiba at hindi ka gaanong masisiyahan sa murang alak dahil alam mong…