Tagalog

Pagninilay 269: Dalawahang Pagtitig sa Awa at Kaabahan

Kung makapipili ka ng dalawang bagay na pagtutuunan ng iyong paningin, ano ang mga iyon? Ang dalawang pinakamahalagang dapat pagtuunan ng paningin ay ang Awa ng Diyos at ang sarili mong kaabahan. Malamang na madaling maunawaan kung bakit ang Awa ng Diyos ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat pagtuunan…

Pagninilay 268: Pagninilay sa Kamatayan

Marahil ay nakatatakot isipin ang iyong kamatayan. Maaaring hindi mo ito gaanong pinag-iisipan. Ngunit isang biyaya ang magawang harapin ang sariling kamatayan nang tuwiran at may lubos na pagtitiwala. At magagawa mo lamang ito nang may lubos na pagtitiwala kung ang iyong buhay ay nasa ayos…

Pagninilay 267: Katarungan o Awa?

Nararapat na pag-usapan kapwa ang Katarungan ng Diyos at ang Kanyang Awa. Hindi magkasalungat ang mga ito. Ipapataw ang Kanyang Katarungan sa mga tumatangging magsisi, gaya ng pagpapataw nito sa mga anghel na tumangging maglingkod sa Diyos. Ngunit sa ngayon, mas nararapat na sabihing Maawain ang Diyos. Sa katunayan…

Pagninilay 262: Ang Pamamahala ng Pag-ibig o Katarungan

Hindi tayo makatatakas sa Kamay ng Diyos. Siya ang umaalalay sa Sansinukob at nagpapanatili sa pag-iral ng lahat ng bagay. Kung wala ang Kanyang patuloy na pangangalaga, titigil ang ating pag-iral. Ngunit nananatili tayo sa ilalim ng Kanyang mapagkalingang Kamay sa isa sa dalawang paraan. Ginagabayan tayo ng “pamamahala ng pag-ibig” o ng “pamamahala ng katarungan.” Ang…

Pagninilay 259: Ang Kagandahan ng Mapagpakumbabang Kaluluwa

Ano ang nagpapaganda sa isang tao? Higit sa lahat, ito ay ang birtud ng kababaang-loob. Lubhang kaakit-akit ang kababaang-loob. Bagaman maaaring hindi gaanong humanga ang ilan sa mapagpakumbabang kaluluwa sa simula, sa paglipas ng panahon, maaakit ng kababaang-loob maging ang pinakamayabang at pinakamakasariling tao. Ito ay…

Pagninilay 257: Ang Pangmatagalang Plano ng Diyos

Kapag hinahangad mong paglingkuran ang ating Panginoon nang buong puso, maaari mong matuklasang nangungusap Siya sa iyo tungkol sa Kanyang Kalooban sa bawat araw. Maaaring hindi ito lubos na malinaw, ngunit maaari mong madamang may nais Siyang ipagawa sa iyo. Karaniwang hindi inilalahad ng Diyos ang buong plano Niya para sa iyong buhay nang…

Pagninilay 255: Ang “Pagpapala” ng Kasalanan

Maaaring tila kakaiba ang pamagat na ito. Paano magiging “pagpapala” ang kasalanan? Totoo, sa mahigpit na pakahulugan, ang kasalanan ay pagkakasala laban sa Diyos at nagiging sanhi ng ating pagkawalay sa Kanya. Kaya, ang kasalanan ay hindi isang pagpapala sa mahigpit na pakahulugan. Ngunit ang Diyos ay Makapangyarihan sa lahat at magagamit Niya ang lahat para sa Kanyang kaluwalhatian…

Pagninilay 248: Walang-hanggang Mapagkukunan

Isipin mong nakatuklas ka ng isang di-nauubos na bukal ng likas na yaman sa pamamagitan ng paglikha ng isang makinang ginagawang walang-hanggang enerhiya ang kaunting oksiheno lamang.  Kailangan mo lamang paandarin ang makinang nilikha mo at malilikha na ang enerhiya…

Pagninilay 247: Ang Pagpapalang Hatid ng mga Nangangailangan

Kung may isang miyembro ng inyong pamilya na malubha ang sakit, nasa bilangguan, o may iba pang mabigat na pangangailangan, magiging pasanin ba siya para sa iyo o isang pagpapala?  Pag-isipan mo ito.  Mas pinahihirap ba ng mga taong may natatanging pangangailangan ang iyong buhay?  Kung sasagutin ang tanong na ito sa praktikal na pananaw lamang, ang…

Pagninilay 245: Ipinagpalibang Kahigpitan

Mahalagang malaman na may ganap na karapatan si Hesus na ipatupad ang Kanyang katarungan dito at ngayon. May ganap Siyang karapatang maging mahigpit sa atin dahil sa ating mga kasalanan at igawad sa atin ang walang hanggang paghuhukom. Madalas malimutan ang katotohanang ito dahil sa Kanyang Awa. Ngunit…