Tagalog

Pagninilay 208: Isang Espirituwal na Palaso ng Awa

Karaniwan, ang palaso ay nakasusugat at nakamamatay. Sa buong kasaysayan, ginamit ang mga palaso sa digmaan at pangangaso. Ngunit ibang-iba ang isang espirituwal na palaso ng Awa. Alalahanin ang mga salita ng propetang Simeon sa ating Mahal na Ina, “At ikaw mismo ay tatagosan ng isang tabak” (Lucas 2:35). At…

Pagninilay 207: Pagtamo ng Kaaliwan sa Puso ni Kristo

Madalas makadama ng malaking kaaliwan ang mga bata kapag yumayakap sila nang mahigpit sa isang mapagmahal at magiliw na magulang.  Lubos silang nasisiyahan kapag mahigpit silang niyayakap ng mga bisig na ito ng pagmamahal.  Sa mga sandaling ito, napapawi ang takot at pag-aalala, at nanunumbalik ang kapayapaan at kaaliwan matapos ang pagkabagabag.  Ganito rin dapat…

Pagninilay 200: Ang Pagkakaisa ng Pag-ibig at Pagdurusa

Magkasalungat ba ang pag-ibig at pagdurusa? Sa madaling salita, kung matindi ang pagdurusang nararamdaman mo, maaari ka rin bang magkaroon ng dakilang pag-ibig? Isang tanong na dapat pagnilayan ay ito: Ano ang pinagmumulan ng iyong pagdurusa? Ang kasalanan mo ba? Ang habag mo ba sa iba? Isa ba itong pisikal o sikolohikal na…

Pagninilay 198: Ang Awa ng Tunay na Pakikiramay

Ang kawalan ng tunay at taos-pusong pakikiramay ay malinaw na tanda ng isang uri ng karamdamang sikolohikal, emosyonal, at maging espirituwal. Binabanggit ito sapagkat totoo rin ang kabaligtaran. Ang pagkakaroon ng tunay at taos-pusong pakikiramay ay tanda na ang isang tao ay malusog sa isip, damdamin…

Pagninilay 180: Ang Pagpapakasakit ni Hesus

Tayong mga pamilyar sa mga Ebanghelyo ay maaaring maging manhid kung minsan sa mga pagdurusa ni Kristo. Naririnig nating binabasa ang salaysay taun-taon at marami na tayong nakitang larawan ng Kanyang Pagpapakasakit. Dahil sa pagiging pamilyar natin dito, maaaring hindi natin ito hayaang magkaroon ng nararapat na bisa…

Pagninilay 100: Ang Paghahangad ng Mabuti

Ngumingiti sa atin ang Diyos at masagana Niya tayong ginagantimpalaan dahil sa pag-ibig na iniaalay natin sa Kanya at sa kapwa. Ang ating mga gawa ng pag-ibig, kapag udyok ng Kanyang biyaya, ay nagiging mga kayamanan sa Langit. Ngunit hindi lamang iyon ang nagiging mga kayamanan. Maging ang ating pagnanais na gumawa ng mabuti…

Pagninilay 86: Pagpapalambot sa Pinakamatitigas na Puso

Isipin ang isang malaking bloke ng yelo.  Ngayon, isipin na may isang mahalagang barya sa gitna ng blokeng iyon.  Upang makuha ang baryang iyon, kailangang matunaw ang bloke.  Maaari ring maging ganito ang ating mga puso.  May mga pusong sa paglipas ng panahon ay naging napakatigas na tila napakaliit na…

Pagninilay 79: Ang Ating Mahal na Inang Nagdadalamhati

Napakaraming tiniis ni Inang Maria sa kanyang buhay.  Tiniis niya ang mga hinala at pangungutya nang mahimala niyang ipaglihi ang kanyang Tagapagligtas.  Taglay ang ganap na pagmamahal ng isang ina, nasaksihan niya ang pagtanggi at di-pag-unawa sa kanyang Banal na Anak.  At nanatili siya sa Kanyang tabi sa Kanyang paghihirap at kamatayan.  At sa lahat ng…

Pagninilay 74: Isang Pusong Mahabagin

May pagkakaiba ba ang “simpatiya” at “habag?” Kung mayroon, ano ang pagkakaiba? At alin ang higit na kanais-nais? Ang simpatiya ay nangangahulugan lamang na nalulungkot tayo para sa iba. Sa isang diwa, nangangahulugan ito na naaawa tayo sa kanila. Ngunit higit pa rito ang habag. Nangangahulugan ito na tayo ay…