Tagalog

Pagninilay 40: Pagpasok sa Puso ng Ating Panginoon

Ang isang butil ng alikabok o buhangin ay halos walang halaga sa karamihan ng mga pagkakataon. Walang nakakapansin sa isang butil ng alikabok o buhangin sa bakuran o maging sa sahig ng bahay. Ngunit kapag napunta sa mata ang alinman sa mga ito, agad itong napapansin. Bakit? Dahil…

Pagninilay 33: Ang Awa ng Pagdadalisay

Isipin mong nakikita mo ang iyong kaluluwa gaya ng pagtingin dito ng Diyos. Ano ang makikita mo? Paano kaya nakikita ng Diyos ang iyong kaluluwa? Tiyak na nakikita Niya ang Kanyang minamahal na anak at tinitingnan ka nang may pinakadakilang pagmamahal. Ngunit nakikita rin Niya ang iyong kasalanan, maging ang pinakamaliit na kasalanan. Ang mga kasalanang ito, maging ang pinakamaliit na di-kasakdalan…

Pagninilay 32: Ang Awa ng Pagpapatawad

Sa buong buhay mo, masasaktan ka dahil sa mga kasalanan ng iba. Hindi ito maiiwasan. Ang tunay na tanong na dapat pagnilayan ay kung ano ang gagawin mo sa sakit na ito. Kikimkimin mo ba ito at paulit-ulit na iisipin? O magpapatawad ka? Ngunit hindi sapat ang pagpapatawad. Dapat mong hayaang lubusang pumasok ang Banal na Awa sa iyong kaluluwa…

Pagninilay 342: Ang Kaginhawahang Dulot ng Pasyon

Karaniwan, hindi natin pinagsasama ang mga salitang “pasyon” at “kaginhawahan.” Paano makapagbibigay ng kaginhawahan ang Pasyon ni Kristo? Sa makalupang pananaw lamang ito kakila-kilabot at malungkot. Lubhang nagdusa ang Panginoon, at ang ating Mahal na Ina ay nagdusa kasama Niya nang may pinakamatinding lumbay…

Pagninilay 338: Pag-iingat ng Isang Lihim

Isang gawa ng pag-ibig na maiaalay natin sa kapwa ang pag-iingat sa mga lihim na ipinagkatiwala sa atin.  Naranasan na nating lahat na may lumapit sa atin na may problema o kalituhan at hiniling na huwag natin itong ipagsabi sa iba.  Kaya mo bang ingatan ang ganitong uri ng sagradong lihim?  Ang pag-iingat sa lihim ay isang napakagandang gawa ng awa sa kapwa.  Kung…

Pagninilay 337: Pagtulong sa mga Nababalisa

Sa ating buhay, halos tiyak na paminsan-minsan ay makakatagpo tayo ng mga taong hindi mapakali, nababagabag o nag-aalala. Maaaring labis silang nakatuon sa kung anu-anong bagay at maaaring hindi na gaanong makatuwiran ang kanilang pag-iisip. Anong laking pagkakataong puspos ng biyaya ito upang magpakita ng Awa. Ang pagkabalisa…

Pagninilay 335: Walang Sawang Nagpapatawad 

Isa sa pinakamahirap gawin sa buhay ang ipanalangin ang mga umuusig sa iyo at pakitunguhan sila nang may lubos na paggalang at habag.  Ngunit ano ang mapapala mo sa pagkapoot sa kanila o sa pagbubuhos ng iyong galit sa kanila?  Ang ganitong “pananakit” sa kanila ay higit na nakapipinsala sa iyong sariling kaluluwa kaysa sa kanila.  Magpatawad…

Pagninilay 334: Paglilingkod sa mga Kaluluwa

Isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob sa atin ay ang kakayahang maglingkod sa kapwa. Naglilingkod tayo sa kanila sa maraming paraan, lalo na ayon sa ating partikular na bokasyon. Ngunit ang pinakadakilang paglilingkod na maibibigay natin sa isang tao ay ang maging tagapaghatid ng Awa ng Diyos, na umaakay sa kanya tungo sa mga kaluwalhatian…